6. Tying the Knot Part One: The Proposal

11.5K 201 46
                                    

Title: Tying the Knot

Pairing: KathNiel

Genre:  Comedy/Romance

 Dedication: KaDs, Spikers, D'Listaz, D'Rocks, KBB, KQs.

“Oh...Ano problema Pads?” tanong ni Maris, isa sa member ng KaDs, ng makita si Daniel na malalim ang iniisip at nakatingin sa kawalan. Wala nga rin ito sa sarili. Ginawa ba namang fountain yung juice kanina, nasayahan sa pagpisil at natapon na yung laman..at take note natuwa pa siya.

Tapos nahuli rin yang pumasok ito sa comfort room para sa mga babae. Buti nalang nahila niya ito bago pa mabugbog. Tapos kinausap din yung poste kanina, naloloka na ata.

Ngayon naman, eto siya ngayon...Malalim iniisip tapos palakad-lakad.

“Pads!!” sigaw ni Maris at pumunta sa harapan nito. “Ano ang problema mo?! Kanina pa ko nahihilo sa paglalakad mo. Di ba, Joanna? Kanina pa niya tayo hinihilo...”

“Oo nga,” sabad naman ni Joanna Marshy, isang member ng KaDs, minsan ng Spikers, minsan ng Danielistaz, walang permanenteng fanclub, in short nomad na ata. “Wala ka rin kanina sa sarili mo habang nagtataping. Nag-aalala na tuloy sa’yo si bebe Kath. Ano ba iniisip mo hah?”

“Ako yan! Ako yan!” singit ni Phoebe, member ng KaDs na nagtravel pa mula Bohol makita lang si Daniel, sa madaling salita, addict na addict lang naman kay Daniel. Naka short shorts siya, by the way. “Ako iniisip ni Pads! Iniisip na niya pangalan ng mga anak namin!”

“Weeeh! Magtigil ka nga. Ako iniisip niyan,” sabi ni Joanna. “Di ba Pads?”

“Shhh...Iniisip ko kung paano magpopropose kay Kath. Ang ingay niyo naman! Kanina pa kayo ah!” sigaw ni Daniel at agad rin niyang tinakpan ang bibig. “Ay putek! Bakit ko ba yun sinabi?”

Tumingin siya sa paligid. Mukha namang hindi pa nakakabalik si Kathryn mula sa isang scene niya.

“Magpopropose ka naaaaa!!!?? Uwaaaaahhhhhhhhh! Tagal na naming inantay yan Pads! Sa wakas! Sa wakas nagkaroon ka na rin ng lakas ng loob! I’m very proud of you!” wika ni Maris na abot langit ang ngiti. “Ako ninang ng mga anak niyo hah!”

“Ninang agad?! Wala pa ngang kasal! Atat lang?” sabi ni Phoebe.

“Teka! Wait! Tatawagan ko sina Ate Apol, Kathy, Che, Sofie, Ella, Gail, Ate Lyn, Niq, Ate Gwenn, Jesh, si Bash at si Tats na hindi pa nagpapakita sa atin, mga admin ng Spikers, KaDs, Danielistaz, DanielRocks, KBBs, KathQuens...Ay putek...Bakit kasama si Adet?” sabi ni Maris sa isang bagsakan lang. “Tatawagan ko rin ba si RKQ at si TeamQuenForever...Pang-asar lang naman!”

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon