25. Feb Fair (AU)

4.2K 122 25
                                    

Title: Feb Fair

Characters: KathNiel

Genre: Romance/Comedy 

"TAPOS na ang misa, humayo kayo at ipalaganap ang salita ng Diyos..." pagtatapos ng pari sa misa. 

Pumalakpak ang mga tao at sumagot ng, "Salamat sa Diyos..." 

Isa-isa na silang umalis at wala sa sariling tumayo si Kathryn mula sa kanyang kinauupuan. Lalabas na sana siya ng St. Therese Church nang may humawak sa balikat niya. Lumingon siya at nakita ang isang lalaking may itim na buhok, matangos ang ilong, mapungay na mga mata at may morenong kutis.

"Miss, nahulog mo ata ang panyo mo," sabi ng lalaki, sabay abot ng isang kulay puti na panyo. 

Kumunot ang panyo niya habang tinatanggap ang panyo. "May dala pala akong panyo?"

Napangisi ang lalaki sa kanya at umiling-iling. "I'm surprised at naalala mo pa talaga kung nagdala ka ng panyo gayong parang wala ka sa sarili. Sa totoo lang Miss, sa akin ang panyong iyan. Kanina pa kasi kita pinagmamasdan nung nag-start ang misa at biruin mo walang tigil kang umiiyak. May dala rin akong tubig, baka na-dehydrate ka na."

Tiningnan ni Kathryn ng masama ang lalaki at tsaka binato sa mukha nito ang iniabot na panyo. 

"Bwisit ka!" sigaw ni Kath. Nang makitang nasa loob pa siya ng simbahan ay lalo siyang nagalit sa binata. "Kita mo na. Katatapos pa lang ng misa at hindi pa ko nalabas ng simbahan, nagkasala na ako kaagad. Kampon ka siguro ng kadiliman, ano! Kutis mo palang, halata na!"

"Hala, makapag-salita ka parang ang puti mo ah," tugon naman ng lalaki.

Kung kanina, mainit lang ang ulo niya, ngayon naman mukhang kumukulo na ang dugo niya sa ulo dahil sa sobrang galit niya sa kausap. Tinalikuran niya ang binata at lumabas ng simbahan. Hindi pa siya nakakatatlong tapak mula sa labas ay may humila sa kanyang braso at pinaharap siya. 

"Ano ba!" asik niya ng makita muli ang mukha ng binata. "Bitiwan mo nga ako! Hindi nga kita kilala tapos mang-aasar ka pa. Ang kapal rin ng mukha mo ano!"

"Sorry..." sabi ng lalaki. "Sorry kung inasar kita. Hindi ko lang mapigilan. Bakit ka naman kasi umiiyak sa simbahan? Hindi naman nagkwento si Father ng MMK nung sermon niya. Anong nangyari? Bumagsak ka ba ng exams? Nag-uumpisa pa lang ang sem at iyan na kaagad ang pinuproblema mo?"

Binawi ni Kathryn ang kanyang braso at akmang aalis ng pigilan ulit siya ng binata. Sa inis ay napasigaw na lamang siya, "Hindi ako bumagsak ng exams! Sa love ako bumagsak! Singko ang grade ko pagdating sa pag-ibig dahil hindi ako marunong pumili ng tamang lalaki! Ano masaya ka na ba? February na february pinagpalit ako ng boyfriend ko sa isang malanding higad na nakilala niya ng first day of classes sa isang GE course niya. Bad trip siya! Bumagsak sana sila sa GE nilang iyon!'

Muling hinugot ni Kathryn ang kanyang sarili mula sa lalaki at lumayo dito. "Pwede ba, lubayan mo na ako."

"Alam mo na bang Feb Fair bukas?" tanong ng lalaki. 

"Alam naman ng halos lahat ng estudyante dahil naka-lagay ang banner ni Abra sa labas dahil pupunta daw siya sa Thursday!" sabi ni Kathryn.

"Gusto mo bang makalimutan iyang boyfriend mo?" tanong ulit ng lalaki.

"Mister, sino bang hindi gustong makalimot sa isang sawing pag-ibig?" sagot ni Kathryn at nirolyo pa ang kanyang mata.

"Ibigay mo sa akin ang lahat ng gabi mo next week para sa Feb fair. At sinisigurado ko sa'yo, hindi pa matatapos ang linggo, makakalimutan mo na ang boyfriend mo," saad ng lalaki sabay kindat. "Magkita tayo sa tapat ng Baker Hall tuwing 7pm gabi-gabi."

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon