1. Paano Magselos ang isang Daniel Padilla? (AU)

59.8K 457 48
                                    




Ito ay koleksyon ko ng mga kwento para sa KathNiel. One-Shots lang ang mga ito pero minsan may part two kapag sinipag.




Title: Paano Magselos ang isang Daniel Padilla?

KathNiel

Genre: Romance/Humor

Dedication: Nyanie - natuwa talaga ako sa kanya. Salamat ulit. :* 

Gusto niyang baliin ang mga buto nito.

Pwede ding ihulog sa gitna ng karagatan at hayaang kainin ng mga pating.

Hindi, ibibitin nalang niya patiwarik sa pinakatuktok ng school building nila.

Napailing si Daniel. Ang tanging gusto lang naman niya ay matutong lumugar ang lalaking kanina niya pang sinusundan ng matatalim na tingin.

Narinig niya na may kumaluskos sa tabi niya. Tiningnan niya kung ano ang dahilan nito at nakita niya na si Khalil lamang ito.

Maya-maya narinig niya ang malutong na halakhak ng babaeng bumihag sa kanyang puso, wala ng iba kundi si Kathryn Bernardo. Inabutan kasi ito ng dalawang dosena ng pulang rosas ni Enrique.

Nagkuyom siya ng mga palad.

May dala-dalang rosas si Kathryn at hindi galing sa kanya ang mga yun.

Kahapon lang ng binigyan sila ng TLE teacher nila ng panibagong assignment: makipagdate ng isang araw sa isa sa mga classmates nila and ilista ang mga natutunan dito. Pero ang masaklap, hindi ka makakapili ng taong gusto mong i-date. Bumunot ang teacher nila ng mga pangalan ng magkakapartner.

Kaya naman ngayon, magkasama sina Enrique at Kathryn. Si Enrique lang ang nakaisip na bigyan ng bulaklak ang kadate.

Kung pwede lang pumatay ng tao gamit ang titig, kanina pa siguro namatay si Enrique.

"Nako! Baka bigyan ng halik sa cheeks ni Kath si Enrique," rinig niyang sabi ni Seth. Oo, isinama ni Khalil sina Seth, Lester, Katsumi at JC. Isinama rin nga niya ang kadate niya eh. Iyon ay para bantayan siya at wala siyang gawing karumal-dumal na krimen.

Nagtatago sila ngayon sa damuhan. Pasilip-silip sa dalawang taong nagdadate ngayon.

At ngayong narinig niya ang salitang 'kiss' baka nga talaga makapatay na siya.

Sa kabilang side niya pala ay ang ka-date niyang si Julia Baretto. Sa totoo lang, maganda naman ang kasama niya sa date. Pero nagkataon lang talaga na wala siya sa mood at wala siyang pakialam sa paligid niya. Paki niya sa grades? Paki niya sa lahat. Ibalik lang sa kanya si Kath kahit ma-zero pa ang grade niya sa assignment na ito.

Tumingin na si Khalil sa kanya at nakita siguro nito ang mga masasamang tingin niya kay Enrique kaya sinabi ng kaibigan, "Daniel...wag..."

"Oh, bakit Khalil? Ano ginawa ko sa'yo?" tanong ni Daniel.

"Wala lang yang date na 'yan, alam mo yan. Wag ka nga sumimangot diyan at tinatakot mo si Julia," sabi ni Khalil.

Narinig niyang tumawa si Lester.

"Sino ba namang matinong lalaki ang magbibigay ng dalawang dosena ng red roses sa ka-date niya!?"

"Alam mo namang mahina si Enrique sa TLE kaya bumabawi siya sa assignment ngayon."

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon