21. Sa Pagbabalik ng...The Buzz

4.5K 132 13
                                    

Warning: BAWAL MANIWALA DAHIL NAKAMAMATAY. 

Title: Sa Pagbabalik ng...The Buzz

Pairing: KathNiel

Genre: Romance/Comedy

“Hello guys!” sigaw ni Daniel habang papasok sa dressing room ni Kathryn. Naga-apply na ng make-up si Denise Ochoa sa dalaga. Napalingon naman si Rainier Dagala sa pinto at bumuntong-hininga.

“Nandito na ang tatay ni baby. Maghanda na kayo para sa sermon,” sabi ni Rain.

Ngumuso naman si Daniel. “May sinasabi ka Kuya Rain?”

“Wala, wala...” iling ni Rain. “So, bakit ka nandito Dj?”

Lumapit si Daniel kay Kathryn. “Titingnan ko lang ang suot ni Kath.”

“Wow! Pre-check up mo nap ala baby,” anunsyo ni Rain.

Kumunot naman ang noo ni Daniel at humalukipkip. “Anong pre-check up?”

“Pre-event check up. Pre-interview check up at kung ano-ano pang pre yan,” sagot naman ni Rain.

Nawala ang kunot sa noo ni Daniel at ngumisi siya sa stylist ni Kathryn. “Aba, gumagaling ka Kuya Rain ah. Gumagaling ka na sa pagiging corny.”

“Tse,” irap ni Rain sa binata. “Lumayas ka nga dito, bako ko ibato sa’yo yung heels ni Bebe Kath.”

“Ang harsh mo naman,” tudyo ni Daniel. Gusto ko lang naman makita yung susuotin ni Kath.”

Tumingin siya sa make-up artist ni Kathryn na si Denise. “Ate Den, tapos na po ba yan?”

“Hindi pa. Sandali na lang ito,” sagot naman ni Denise. “Umupo ka muna diyan sa gilid.”

Tumango naman si Daniel at umupo sa upuan sa gilid ni Kathryn. Ang sandali ay naging 30 minutes. Kung ano-ano na ang ginawa ni Daniel habang nakaupo. Meron naka-nguso, minsan inuulit niya yung dance steps niya nung ASAP, at maya-maya napapasipol na siya ng kanta mula sa paborito niyang banda na The Beatles.

Hindi niya namalayan na kinukuhanan na pala siya ng litrato ni Denise.

Tawa naman ng tawa si Rain sa gilid.

Nang matapos na ng tuluyan ang make-up ni Kathryn ay lumapit si Daniel sa kanila. Inalok niya ang kanyang kamay at tinanggap naman iyon ni Kathryn. Tapos dinala niya ang dalaga sa gitna at inikutan niya ito.

“Ayos naman ang suot mo ngayon Bal,” sabi ni Daniel. “Nitong mga nakaraan kasi, ramdam ko ang grudge ni Kuya Rain sa’yo.”

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon