26. Pangako ko Sa'yo

2.2K 69 6
                                    


Title:
Pangako ko Sa'yo...

Characters: Angelo Buenavista, Yna Macaspac

Genre: Romance/Drama




"GELO, iniimbitahan ka ni Papa sa bahay ngayong gabi," saad ni Lloyd habang sinasamahan niya ako sa paglalako ng pandesal. "Sabi pa niya, isama mo na rin si Lia at si Ligaya."


Napakunot ang noo ko. "Bakit ko pa sila isasama?"


"Naku, gusto lang ipagmalaki ni Papa yung pinsan kong chef. Galing kasi ng US yun, kaka-graduate lang from culinary. Isinama pa nga ang kaibigan niya sa bahay at sila ang magluluto ng dinner," paliwanag ni Lloyd at napakamot rin sa ulo. "At nasabi ko din sa kanya na dati ka ring nagluluto. Siguro gusto niyang mai-test mo rin yung skills ng pinsan ko. Tsaka, pwede mo ring gamitin ang time na yun para makausap siya tungkol sa business proposal mo."


Tumango naman ako. "Busy si Lia, baka si Ligaya na lang ang isama ko. Wala namang ginagawa yun. Para malibang na rin siya at maalis sa isipan niya yung pagpaplano ng susunod niyang pranks sa akin."


Napatawa naman si Lloyd. "Ang isip-bata talaga nung girlfriend mong iyon."


"Hindi ko siya girlfriend," sabi ko. "Kilabutan ka nga. Kaibigan ko lang siya, yun lang yun. Wala pa sa isip ko ang girlfriend na iyan. Kailangan kong maitaguyod ang pamilya ko, lalo na si Lia. Girlfriend? Distraction lang iyan. At isa pa, para ko na ring kapatid si Ligaya."


...At hindi ko alam kung kailan ko siya malilimutan at kailan siya mawawala sa puso ko. Oo, madami ng nangyari sa amin. Marami ng pagsubok ang dumating. Dapat kinakalimutan ko na siya dahil ang kapatid niya ang dahilan kung bakit nawala sa amin si Mama. Ang babae namang hinahangaan at ipinagtatanggol niya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko. Simula nung nakilala ko siya, binuo niya ang mundo ko, at siya rin ang gumuho nito.


Sa unang tingin, agad kong hinihiling, ang makapiling ka...


Hanggang ngayon, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Nakatago pa rin ang mga alaala niya sa wasak kong puso. Hindi nga ata kaya ng mighty bond ang pagbuo sa puso ko. Pero tanggap ko naman na hanggang sa panaginip ko na lang siya pwedeng mahalin. Hindi kami pwede at kahit kailan hindi kami magiging pwede dahil kapag kasama ko siya, lagi na lang sasagi sa isip ko na ang kapatid niya ang dahilan kung bakit wala na akong ina, at wala na rin ina si Lia.


"Asus palusot ka pa," pang-aasar ni Lloyd na siya namang nakapagbalik sa akin mula sa pag-iisip ko.


Napakagat ako ng labi at inis na bumaling kay Lloyd. Siya ang dahilan kung bakit ko nanaman siya naisip. Umiling ako at pilit na tinanggal ang mga alaala niyang bigla na lang sumalakay sa isip ko. "Kung iinisin mo lang ako buong araw, mabuti pa't lumabayan mo na ako. At bakit ba Ligaya ka ng Ligaya? Ikaw ata ang may gusto sa kaibigan ko eh."


Nanlaki ang mga mata ni Lloyd at namula siya. Naningkit ang mga mata ko. Nagloloko lang naman ako pero mukhang tama ang sinabi ko. Ito talagang si Lloyd, ipapasa pa sa akin yung feelings niya. Sapakin ko kaya ang isang ito?

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon