Kabanata XVI

280K 9.6K 1.1K
                                    

DINAMA ni Perisha ang namamaga niyang mga labi.


Bugbog-sarado siya sa halik ni Kaden!


Hindi siya nito tinantanan. Para bang ang tagal na mula ng huli silang magkita.


Habang tulog ang buong boarding house ay nasa baba kanina si Perisha. Nasa dilim sila ni Kaden habang naghahalikan silang dalawa.


Halos mapugto ang paghinga niya ng pakawalan ni Kaden kanina ang mga labi niya.


At hanggang ngayon nga ay nararamdaman niya pa rin ang init ng hininga nito sa kanyang balat.


Napabungisngis si Perisha ng mareceive ang last test message ni Kaden.


'Good night, my beloved.'


Impit siyang tumili sa unan niya.


Hindi nito ugaling magtext o makipag-textmate! Sanay ito sa puro call. Kapag tatawag naman ay minsan at saglit lang, o kung may importanteng sasabihin lang.


Pero ngayon ay may pa-goodnight-goodnight at 'beloved' pa itong nalalaman!


Pinalitan niya ang pangalan ni Kaden sa phonebook niya. Hindi na KV, kundi My beloved na rin. So iyon na ang magiging tawagan nila!


Ibinalik ni Kaden ang cell phone niya naiwan niya sa basement. Kahit hating-gabi na ay inihatid nito iyon sa kanya, from Dalisay to Manila.


"Kunwari pa, gusto lang naman talaga akong makita." Ngiting-ngiti siya. Hindi niya magawang makatulog.


Tiningnan niya ang mga pictures ni Kaden sa gallery ng phone niya.


May kuha ito na stolen, merong alam nito na kinukuhanan niya ito pero hindi pa rin ito ngumiti at may kuha rin na magkasama silang dalawa. Lahat ng pictures nila together ay inilipat niya ng folder. Pinangalanan niya ang folder ng : My Happiness.


Ito ang sumagip sa kanya mula sa kalungkutan at pag-iisa.


Kung wala si Kaden ay baka wala siya ngayon sa kung nasaan man niya.


Kaden was her savior...


Nang mamatay si Tita Pat at ang Ate Ana niya ay dumating si Kaden para sagipin siya. Ibinigay nito ang lahat-lahat sa kanya... maging ang sariling puso nito.


At mahal niya ito... sa pagdaan ng panahon ay minahal niya nang lubos ang lalaki. At nakahanda siyang ingatan ang puso ni Kaden, katulad ng pag-iingat nito sa puso niya.


...


"MAY JOWA KA NA?"


"Oo nga..." ngingiti-ngiting sagot niya sa mga kaibigan.


Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon