ITGT 36

7.8K 338 40
                                    

A/N: I'm back!! Sorry po! Sa lahat ng nagaantay sa update ko. And thank you rin dahil walang sawa niyong inintay ang ud. Naiiyak ako sa lahat ng mga nagiintay (kung meron pa haha)  kasi I feel you guys! I'm so sorry kasi naging busy lang ako pero the wait is now over.

To all my lovely readers! Enjoy reading!

@BeaCannillas3 @theaaaxie @Benevavy dedicated ito sa inyo gurls! Keep reading, and thank you *muah*

Chapter Thirty Six

Napapabuntong hininga na lang ako habang naalala ang pangbabaliwala ng Darkchaos sakin. Kahit sa canteen o sa room man hindi na nila ako kinikibo, nitong araw nga lang nalaman kong hindi na ako ang katabi ni Kurt sa upuan si Aubrey na, Sweet sweet pa nila akala mo sila na. Naiiyak talaga ako. Bwisit siya paasa! May paligaw ligaw pa siyang nalalaman. Yun pala ano! May babae siya! Malaki lang ang ano—eh! Napatigil ako sa malalim na pagiisip ng may pambasag eardrums na boses ang bigla bigla na lang kumanta.

"In the sharrow, sharrow .. ... oh in the sharrow, sharrow, in the sharrow, sharrow. We're far from the sharrow now."

Cyrus, gosh sakit niya sa gums.

Napatakip ako ng tenga ng sabay sabay nagreklamo ang mga Phoenix sa pagkanta niya.

"Anu bay an Cy! Wala ka sa tono!" reklamo ni Drei.

"Cy! Shallow hindi Sharrow" pagtatama naman ni Wes

"Oh man holy shit... sobrang init!" Sean si na kape ng kape kitang umuusok pa sa init tas inis na bumaling pa kay Cyrus. "Tumigil ka nga dyan! Nadidistract ako!"

"Eto po ang pamunas di kasi nagiingat." Si Rix . " Ikaw naman Cyrus kumain ka masarap ang niluto ni Tita."

Ngiting ngiti naman si Tita Candice. Palibhasa kilala ang pamilya ni Rix bilang isa sa mga pinakamagagaling na chef sa buong Pilipinas at Korea.

"Tangna yung itlog nabasag!" sigaw ni Hern.

Nagulat naman kami ng magreact si Hern. Minsan lang naman yan magsalita puro maiikli pa. Natahimik tuloy ng makitang nalaglag pala ang nilagang itlog na babalatan niya sana. Sa huli tatawa tawa ang Phoenix kay Hern. Hinayang na hinayang kasi siya sa itlog.

Ngiti ngiti si Tita na lumapit kay Hern at binigyan ng panibagong itlog. "Sa iyo na ito iho. Hindi naman mahilig sa nilagang itlog si Stacy." Nahiya pa si Hern pero sa huli tinanggap na lang.

"Thank you." Pabulong na sabi niya pero dahil magkatabi kami narinig ko.

Ngumiti ako sa kanya ng napatingin siya sakin. Pero nakakunot lang ang noo niya sabay iwas ng tingin. Sungit.

Bumaling naman ako kay Ethan na tahimik na nagiisip ni di niya pinansin si Cyrus na kanina pa nagtatanong sa kanya tungkol sa lyrics ng Shallow. Hanggang sa natapos na kami sa agahan ganun pa rin siya. Tatanungin ko nasa na siya kung may problema ng kausapin ako ni Tita. Nauna na tuloy sila sa labas kaya naiwan kami ni Tita sa sala.

"Sophie, Malapit na ang birthday mo gusto mo bang maghanda ako?" Tanong ni Tita Candice kaya bahagyang nagulat ako. Sa dami ko kasing iniisip ay di ko namalayang mag be-birthday na pala ako sa isang linggo.

"Nakalimutan mo nanaman ba?" Natatawang ani nya muli kaya napakamot ako sa batok at tumungo "Kung wala ka namang pupuntahan sa kaarawan mo ay pag hahanda kita kahit pansit lang.... tas imbitahan mo ang mga bago mong kaibigan."

Napatigil ako saglit sa huling sinabi ni Tita. Napalingon ako sa labas kung saan kanya kanya silang asaran. At di ko mapigilang pagkumparahin sila sa mga bago kong kaibigan. Kung nandito sila mas masaya ang birthday ko pero next week pa naman yun after exam at solve na ako kung kumpleto silang darating sa selebrasyon kahit walang regalo kahit konti lang ang handa.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now