ITGT 29

17.8K 654 144
                                    

A/N: Hello kay OhJaze23. Thank you sa BC mo para sa susunod na libro! Sorry natagalan.😊


Chapter Twenty nine

Ang hirap ng pinalilibutan ka ng mga gwapo, pati mga taga ibang school na nandito napapatingin sa Darkchaos. Isama mo pa ang mga Phoenix na hindi yata alintana na may mga itsura at malalakas ang karisma. Di lang naman kami ang may Training Camp kaya may mga taga ibang school na nandito na hindi ko naman alam kung saan nanggaling. Nakakainis nga e dahil ang daming tumitingin kay Kurt, Haist sarap isako aba! Akin lang siya! Hmp!


"Puta! Bakit kailangan pa ng secretary sa punyetang activities na 'to! Nakakabawas ng angas e." napatingin ako kay Dom na halos pira-pirasuhin na yung papel na hawak niya. Beastmode si Dom hahaha.

"Tsk." pati si Kyle mukhang beastmode din.

"Okay lang yan Bro, atleast pwede nyong utos-utusan ang mga kumag na Phoenix na 'yon." sabi naman ni Adrian na may pagtapik pa sa balikat ni Dom.

"Pwe! Kase ikaw, di ka napasama! Bagay sayo ang muse kung meron man e!" sagot agad ni Dom.

"Para kayong tanga." ani Xander na kalalapit lang sakin.

"Fuck those assholes! 'wag na 'wag silang mag papakita sakin!" himutok naman ni Kurt.

Napangisi na lang ako sa nga hinaing nila. "Subukan mo lang." banta ko kay Kurt, susme siya kailangan talagang murahin niya sila Ethan.

Nanlaki ang mata nya na napatingin sakin saka ngumuso "Kinakampihan mo ba sila, Pia? Hmm?"

Napalunok ako, bakit ang hot  nya sa pag kakasabi non? shet!

"Okay lang naman yon atleast na experience niyo maging active sa activities." natatawang saad ko pero inirapan niya lang ako.

Nagagalit sila sa Phoenix dahil sila ang dahilan kung bakit lahat sila ay naging leader ng grupo nila. Dibale na lang si Adrian at ako, si Dom naman ayun naging secretary, na di ko rin alam kung bakit meron pa non.

Pang unang araw namin dito sa J.E.S.T at nandito kami lahat pati ang ibang estudyante sa labas kung san ginanap ang pag grugrupo grupo para sa gaganapin na mga activity.

Hiwahiwalay kami, Si kurt, Dom at Cyrus ay sa Group 1, Si Zander, Rix, Hern at Adrian sa Group 3, Si Kyle, Sean at Wes ay sa Group 4, Si Ethan at Drei ay Group 6 samantalang ako ay Group 8. Nung una ay nagreklamo pa si Kurt at pilit sinasali ako sa grupo nila pero hindi ko hinayaan. Unfair naman kase sa iba.

May inabot si Adrian na Flashdrive kay Dom.

"Para san 'to?" tanong naman ni Dom.

"Inabot lang sakin yang USB nung babae kanina sabi daw ay ipa- print at pa-Xerox mo daw dun malapit sa mga cabin dahil ikaw ang Secretary ng group 1 tapos eto." may binigay siya marker. "Pentelpen para ilagay niyo yung mga pangalan ng miyembro para makausad na tayo." mahabang paliwanag ni Adrian, napasimangot naman si Dom.

"Ayoko! Dahil unang una tinatamad ako pangalawa hindi USB kundi Flashdrive, hindi Xerox kundi photocopy, hindi pentelpen kundi marker at Ikaw at ako, hindi tayo!" madramang sagot ni Dom kaya napairap ako saka tumingin kay Kurt.

"Cr lang ako, Kurt." paalam ko kaya natigil naman sa pag aalburuto si Kurt na hindi pinapansin ang kalokohan ng mga kaibigan niya. Tumingin siya sakin sabay lapit niya.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now