ITGT 17

22K 900 92
                                    

Chapter Seventeen


Iniwan ko muna si Xander sa sala kasama ni Stacy hinayaan ko na munang magkakilala yung dalawa. Kinuha ko siya ng juice na maiinom bumalik rin ako sa sala pero wala na si Stacy doon nakapagtataka ring  makita na nakatulala lang si Xander sa kawalan ni hindi man lang niya ako napansin.

Umupo ako sa tabi niya at kinalabit bigla naman siyang natauhan at tumingin sakin.


"Okay ka lang? Nagkausap ba kayo ng pinsan kong si Stacy?" tanong ko sa kanya habang nilapag ang juice sa harap niya.


"Thanks." uminom siya ng juice at pagkatapos ay nginitian ako. "Nakausap ko siya pero saglit lang, ang taray pala niya. Haha." halatang pilit ang tawa at ngiti niya. Anung nangyari kay Xander?


"Sigurado ka bang okay ka lang? May sakit ka ba? O may nasabi ba sa'yo si Stacy ha?" sunod sunod na tanong ko.


Tinawanan niya lang ako at biglang kinuha ang kamay kong nakapatong sa hita ko. Tumayo siya at ngumiti sakin.

Gusto ko talagang makitang nakangiti si Xander. Nakakahawa kasi at ang gaan sa pakiramdam ang ngiting pinapakita niya.


"Date tayo! Tara!" masayang sinabi niya sabay hila sakin patayo at papunta ng pinto pero bago kami makalabas ay pinigilan ko na siya.


"X.. ..Xander saglit lang." tumigil siya sa paghila sakin.


"Bakit?"


"A-anung date ang sinasabi mo? Wala ka namang sinasabing manli-"


Hindi niya ako pinatapos. "Na hindi ako manliligaw." mahinang tumawa siya at hinawakan ang baba niya na parang nagiisip. "Hindi ko nga pala nasabi yun kagabi. My bad, so..." nagitla ako ng lumapit ang mukha ni Xander sakin. Umurong ako pero mabilis niyang nahapit ang bewang ko palapit sa kanya.


Bigla akong namula sa ginawa niya. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to!


"Xander ba-"


"Sophie. Alam kong mabilis 'to para sa'yo. Pero hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko. I...." natigilan siya at tinignan ako sa mga mata ko.


"I want to court you."


"....so please let me take this chance. Just this once." seryosong dugtong nya.


Napaurong ang mga dila ko. Kung liligawan niya ako walang kasiguraduhan kung magiging masaya kami. Mahal niya ako pero ang nararamdaman ko para sa kanya ay paghanga lang. Ayoko nang magbukas ng bagong pinto dahil ayokong masaktan muli. Pero bakit may nagsasabi sakin na bigyan ng tsansa ang taong ngayon ay humingi sakin ng pagkakataon?

Ngumiti ako at dahan dahang tumango. Buo na ang pasya ko. Kung ano man ang nararamdaman ko kay Kurt ay isasantabi ko muna, alam ko kasing masasaktan ako. Mas mahalaga kung sino yung nasa harap ko ngayon.

Nagliwanag ang mga mata niya at nakita ko ang saya sa mga ito. Hinalikan niya ako sa noo.


I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now