ITGT 10

26K 1K 77
                                    


Chapter Ten


Kanina pa nagmamaneho si Kurt at kanina pa rin kami tahimik. Walang nagtatangkang magsalita samin. Wala din naman akong sasabihin. Hindi naman kasi kami close ng lalaki na 'to, kayla Xander talaga ako mas naging malapit nitong mga nakaraang araw. 


Ni hindi ko na rin kasi siya masyadong natuturuan, paano ba naman, si Khena ay laging nagyaya sa mall o kung saan man niya gustuhing pumunta. Tas pag tinuturuan ko si Kurt laging sa mukha ko lang nakatingin. Pag nahuhule ko nga sya ay umiiwas lang siya ng tingin at nagpapanggap na nakikinig


Anong tingin niya sakin? Work book?, naiilang tuloy ako minsan. Hay! Minsan iniisip ko baliw na siguro si Kurt. Tss, nakokonsensya na nga ako sa pinaggagawa ko e, hindi na ako nakapagtututor ng maayos tapos may dagdag grades at sweldo pa ako.


Napatingin ako kay Kurt. Baliw! Nakangiti na naman po siya!


"Kurt? Saan ba talaga tayo pupunta?" lakas loob na tanong ko, hindi ko na kasi mapigilan dahil parang pamilyar ang dinadaanan namin.


Hindi sumagot si Kurt, nakangiti lang siya. Gandang kausap ng lalaki na 'to! Ako ata ang mababaliw sa kanya e. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tumigil sa isang cafe. sabi na e, kaya pamilyar ang daan dahil ito yung cafe na pinagtatrabahuhan ko. Ang Heaven's Cafe


Akmang baba na sana ako ng may humawak ng braso ko. Si Kurt.


"Wait." simpleng sagot niya. Hindi niya ako hinintay na magsalita dahil mabilis siyang bumaba. Pinanood ko lang siyang umikot para pagbuksan ako ng pinto?


"Pia? Ano bababa ka ba o bubuhatin kita?" natauhan ako sa sinabi niya. Nagtatakang tinignan ko si Kurt.


"A-ah bababa na." sabi ko at bumaba na ng kotse nakatingin parin ako sa kanya. Anong nangyari kay Kurt?


"Stop staring at me, Pia. Tara na nga." may halong inis ang pagkakasabi niya non.


Sumunod ako sa kanya. Habang papasok kami ng cafe eh agaw atensiyon agad si Kurt. Alam kong pogi si Kurt at alam kong naiingit kayo dahil kasama ko siya. Pero trust me baliw ang isang 'to! Tyagaan lang talaga.


"Welcome! Sir and Ma'am." napatingin ako kay Luis na bumati saamin. At ang lola niyo makangiti parang mapupunit ang labi.


"Two seats." matipid na sagot ni Kurt.


"Okay. Follow me this way, Sir." sabi ni Luis. Nauna siya saamin susunod na sana ako ng hawakan ni Kurt ang kamay ko at hinila na ako.


Feeling ko pulang pula ako, iba ang epekto ng paghawak ni Kurt sa kamay ko parang may kakaibang kuryenteng dumadaloy sa kamay namin. Nakatingin lang ako sa kamay namin hanggang sa makarating kami sa upuang tinuro ni Luis.


Agad na binitawan ni Kurt ang kamay ko. Akma na sana akong maghihila ng sarili kong bangko nang bigla akong nagulat dahil nauna na nyang gawin iyon.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon