ITGT 21

21.6K 931 120
                                    

Chapter Twenty one 

Nakalabas na kami ng abandonadong building. Agad kong nakita si Xander habang nakaalalay sa kanya si Kyle.Nginitian niya ako ng makita niya akong ligtas. Kita parin na binugbog siya dahil sa dami ng sugat at pasa niya sa mukha.Gusto ko sanang bumaba sa pagkakakalong sakin ni Kurt pero imbis na ibaba niya ako e, mabilis niya akong naipasok sa kotse niya, magtatanong sana ako kaso ang dilim ng mukha ni Kurt. Galit pa rin siya?

Nagsimula na niyang paandarin ang kotse paalis. Buong biyahe kaming tahimik hanggang sa mapansin kong hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin.


"Ahm? Kurt. Hindi ito yung daan papuntang samin.." pambasag sa katahimikan kong sinabi sa kanya. Pero hindi siya sumagot sa halip ay diretso parin ang tingin niya sa daan.


"Kurt saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit sa kanya pero di na naman siya sumagot kaya napasandal na lang ako sa upuan at nakangusong tumingin sa labas ng bintana. Kung wala siyang plano magsalita! Fine! Mapanis sana laway niya!


"We're here." tumigil kami sa harapan ng malaking gate na kulay puti. Bumusina si Kurt ng isa bago otomatikong bumukas ito. Pinasok niya ang kotse niya at tanging matataas na puno ang sumalubong saamin at tahimik na paligid. Ang dilim pa rin sa labas anung oras na kaya baka madaling araw na. Biglang tumigil ang kotse sa malaking mansiyon na kulay puti. Tinignan ko si Kurt na hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha. Galit pa rin ba 'to?




Napabuntong hininga na lang ako at akmang baba na pero nabigla ako ng pagbukas ko ng pintuan ng kotse e mukha niya ang sumalubong sakin. Hinapit niya ang bewang ko palabas ng kotse at binuhat na naman ng pangkasal kaya medyo napatili ako.

"A-ahhh! Kurt kaya ko namang maglakad.." sabi ko habang nararamdaman ko ang pagiinit ng mukha ko sa ginawa niya pero hindi pa rin niya ako pinansin at diretsong naglakad papasok ng mansiyon.

Otomatikong nagbukas ang malaking pinto para makapasok kami. Napapatulala ako sa ganda ng loob ng mansiyon lahat ng gamit dito ay nakinang! At nung naglakad si Kurt at tumigil sa gitna, napatingala na lang ako sa laki ng chandelier sa taas.

Wow! Ganto kayaman sila Kurt? Napatingin naman ako sa paligid. Lahat ng katulong at bodyguard dito ay nakayuko saamin. Ewan ko pero bigla akong nahiya kaya binaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya para maibsan kahit papano ang hiya at kilig na nararamdaman ko pero kita ko pa ang dinadaaanan namin.

Sumakay kami sa isang elevator. Pagpasok namin puro salamin ang wall ng elevator kaya nakikita ko ang mukha ni Kurt, seryoso parin siya. Pinindot niya ang 3rd floor tahimik lang kami habang umaandar ito hanggang sa bumukas ito. Naglakad si Kurt sa gitna at tumigil sa isang pinto na ginto at pawang ito lang ang nasa palapag na iyon. Woah!


Binaba naman ako ni Kurt saka lumapit sa pinto kung saan may pindutan ng passcode at dahil nasa tabi niya ako e, hindi ko mapigilang mapatingin dito. Napaawang naman ang labi ko at uminit ang pisnge ko ng bigla kong makita ang tinype ni Kurt na password.

SophieMonteverde

Seryoso siya doon! Bumukas ang pinto at binalingan ako ni Kurt ng tingin. At bigla na naman niya akong binuhat ulit papasok ng kwarto.

Ganon ba ako kaimportante sa kanya para gawing password ang pangalan ko? Pero bakit gamit ang a-apelyido nya? >///<

Black and white ang design ng kwarto ni Kurt. Halata talagang lalaki ang nagamit nito. Napasinghot na lang ako dahil sa amoy ng buong kwarto. Grabe amoy 'to ni Kurt sweet but manly scent.

Ilang beses rin ang laki nito sa bahay namin, Binaba ako ni Kurt sa isang sofa. "Stay here, may kukunin lang ako." sabi niya. Magsasalita pa sana ako kaso umalis na siya bigla sa harapan ko.


I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now