ITGT 27

19.6K 751 102
                                    


Chapter Twenty seven


Tinititigan ko lang ngayon si Kurt di parin kasi maalis sa isip ko yung sinabi ni Tita kagabi. Kilala niya ba si Kurt? E si Kurt kaya kilala si Tita? Ang gulo! Masisiraan yata ako ng bait kakaisip don sa totoo lang.


"Done checking me out, Pia?" napatigil ako sa pagiisip ng magsalita si Kurt. "Ganun na ba ako kapogi para matulala ka sakin? Okay lang sakin kung gusto mong magtitigan na lang tayo pero baka hindi lang titigan ang mangyari-"


Tinakpan ko na ang bunganga niya bago pa may masabing hindi kaaya aya. "Tigil na Kurt, magpractice na tayo." Tinanggal niya na yung kamay ko pero hinalikan niya muna ito.


"Kurt!" binawi ko ung kamay ko.


"What?" Psh nagtanong pa siya. Inirapan ko lang siya saka tumayo na para ayusin yung mic na gagamitin namin. Bwisit siya, dami niyang alam.


"What song?" nilingon ko naman si Kurt na nasa tabi ko na pala at may hawak na Drum stick. Aist! Anong gagawin nya sa Drum stick? Nakakainis! Hindi naman siya nag seseryoso e!


"Kurt! Gitara kailangan natin hindi yan!" medyo pasigaw ko. Beastmode na talaga ako. Ang kulit kase, hindi nakikinig.


Tinignan ako ni Kurt at nung nakita niyang galit na ako ay binaba na nya ang drum stick saka kumuha ng gitara.


"Anong kanta?" tanong niya muli, napabuntong hinga na lang ako saka umupo sa stool.


"What's the problem? Why are you mad at me? Did i do something wrong, Pia?" Ramdam ko yung pagaalala sa boses niya pero di ko siya pinansin. Tumayo na ako at pumwesto sa may mic.


"Let's start na para matapos na 'to, Kurt." mahinang sabi ko.


"No. Let's talk first, may problema ka e" Dinig kong sabi nya kaya nilingon ko ito. Yan nanaman siya sa pagiging bossy nya Tss.


"Wala nga, Kurt. Mag umpisa na tayo."


Bigla nya naman akong hinawakan sa braso. "Talk to me, Pia! Alam kong may problema ka!" Ngayon sinisigawan niya na ako. Kinabig ko yung kamay niya.


"Pwede ba Kurt?! Ano ba kita? Hindi naman tayo at mas lalong hindi kita boyfriend kaya wag kang makielam sakin!-" Napatigil naman ako at napakagat labi, Shit! Ano ba yung nasabi ko!


Balak ko pa sanang bawiin yung sinabi ko ng bigla siyang magsalita "Yeah. You're right hindi naman tayo." Sabi nya saka binitawan ang braso ko at nag lakad palabas


Parang tinutusok naman ang puso ko dahil sa pag alis nya.


Nang matauhan ako ay agad kong kinuha ang bag ko saka tumakbo palabas para habulin si kurt pero di ko na siya nakita.


Shit! Naman kase Sophie! Masyado lang akong naapektuhan sa sinabi ni Tita kagabi. Hindi ko naman sinasadyang sabihin yun kay Kurt. H-hindi talaga.


I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now