ITGT 1

38.8K 1.3K 158
                                    

Note: Everything in this story is narrated by Sophie. 

---


Chapter One

Papunta ako ngayon ng cafeteria dahil gutom na gutom na ko at nakalimutan ko pang magbaon ng lunch. Pagpasok ko pa lumakas ang bulong bulungan sa loob ng cafeteria. Ganyan naman dati pa anong aasahan ko sa mga spoiled brat at anak ng mga mayayaman. Parang big deal sa kanila lahat ng bagay na may kinalaman sa akin. Kaya ayaw ko ditong kumain e, Tss

"Yuck! Bigla akong nawalan ng gana kairita talaga!"

"Yeah! ako din bakit ba kasi nandito yan? Di sya bagay dito"

"Kadiri ! Sakit nya sa mata."

"Ang panget nya HAHAHA."

"Wala namang kaning baboy dito amp!"


Hindi ko na lang pinansin ang lahat ng narinig ko dahil talagang nagugutom na ako. Di ko sila pinapatulan dahil tama naman ang mga sinasabi nila pero ibang usapan na pag nagugutom na ako. Yun kasi ang pinaka ayaw ko nagiging beastmode ako pag-ganon.


Dumiretso na ko ng pila mabilis namang nag-sipag tabihan ang mga estudyante na para bang may nakakahawa akong sakit. Eto ang maganda sa pangungutya nila dahil walang lumalapit sakin kaya nakakabili agad ako nang makakain. Namimili pa lang ako ng makakain ng biglang nag-sitilian ang mga babae sa loob ng cafeteria.

"Ayan na silaaaaaaaaaaaa"

"Sugod mga kapatidddddddd!"


"Wahhh Justin! Marry me!"


"Ang Dark Chaos myghad! Kyahhhhhh!"


"Papa Xander! Akin ka na lang!"


"Wahhhh! Ang pogi ni Kyle!!!"


"Dominic! My labs!"


"Bes ngumiti sakin si Adrian! Kyahh pakipulot yung panty ko!"


"Kadiri ka bakla wag kang feeling di ka nakapanty! Hahaha."


Di ko na kailangan pang lingunin ang mga pinagtitilian nila na napakasakit sa tenga, dahil alam ko naman kung sino sila. Kahit minsan lang ako dito sa cafeteria ay laging ganito ang sitwasyon pagdarating ang Darkchaos. Aaminin kong may mga itsura sila pero kabaliktaran naman nun ang mga ugali nila dahil panay pambababae at away lang ang inaatupag nila. Di ko nga alam kung bakit hindi pa sila matanggal sa eskwelahang ito.


"Miss ano ba. Tutunganga ka lang dyan? Eto na order mo!" natauhan naman ako sa biglaang pagsigaw ng Aleng tindera na ito. Gusto ko man siyang sagutin pero pinabayaan ko na lang dahil dapat di ako mawalan ng pagrespeto sa mga nakakatanda kahit na masama ang pakikitungo nila sakin dahil kahit wala akong nakagisnang mga magulang naturuan ko naman kahit papaano ang sarili ko ng magandang asal.


Inabot ko na lang ang bayad at nagpaumanhin bago kinuhanin ang pagkain ko. Gusto ko nang lumabas dito dahil bigla kong naalala na ang leader pala ng Darkchaos ang nakabangga ko kahapon at baka mamukhaan niya ko at hindi na palagpasin ang pagkikita namin ngayon. Hindi naman sa natatakot ako pero ayoko nang gulo at baka mas lumala pa ang pagtrato ng mga estudyante sakin dito dahil lang sa binangga ko ang iniidulo nila kuno.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now