ITGT 19

21.4K 866 98
                                    


Chapter Nineteen


Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Sa nakalipas na taon ay ang daming nagbago sa kanya. Mas lalo siyang puti, matangkad na ito at matikas na rin ang pangangatawan, mas naging mapungay ang kanyang itim na mga mata, ang ilong nitong hindi naman matangos pero ayos lang at ang mas lalo kong hinangan sa kanya ay ang labi niyang mapupula.


Nagbago na ang Seth Ethan Cross na kilala ko. Hindi na ito basta lang gwapo mas lalo pa itong gumwapo.



Pero kahit nasa harapan ko siya ay wala na akong ibang maramdaman kundi galit na mas lalo nagpapaigting sakin. Ang makita siya ngayon ay hindi ko inaasahan .Napaka wrong timing nya.



Lalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang magsalita. "Phie, saglit magusap tayo!" akmang hahawakan niya ko kaso mabilis kong nailayo ang sarili ko sa kanya.


"Ano pa ba! Ethan ha? May problema ako ngayon, ang dami na please kaya wag ka ng dumagdag pa." hindi ko pa siya kayang makita hindi ba niya nahahalata!


"Please? Mag usap tayo, Phie pabayaan mo na yon, dahil sa gagong yun umiiyak ka ngayon!" agad ko siyang tinitigan.


Kilala niya si Kurt?


"K..kilala mo si Kurt?" nagaalangang tanong ko.


Napailing naman siya. "Kurt. Nice." sumilay ang kakaibang ngiti sa labi niya. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba.

"Everyone knows that jerk. He's Justin KURT Monteverde after all. No wonder kung bakit ganito siya sa'yo, nakakasakal bang magkaroon ng selosong boyfriend?" madiin ang pagkakasabi niya ng 'Kurt' parang may iba siyang pinararating.

Umiling ako. "H..hindi ko boyfriend si Kurt." kung hindi kami nagkaproblema ni Kurt, e matutuwa pa ako ng sabihin ni Ethan na boyfriend ko siya pero sa nangyayari ngayon parang hindi muna ako pwedeng magsaya.

"Hindi mo siya boyfriend? So hindi ka pa nakakamove on sakin?" napangiwi ako sa sinabi niya. Ang lakas naman ng loob niyang sabihin sakin yun.


"Phie..." lalapitan niya ulit pero lumayo ako yung tipong 5 meters, ayaw kong lumapit sa kanya.


"Tantanan mo ko. Hindi ko man gustong sabihin ito pero.. Ayoko munang makita ka." tumalikod na ako. Kota na ako sa nangyayari ngayon. Please sana wala ng dumagdag pa.




-


Nakauwi ako ng bahay, wala sa sariling napahiga ako sa kama. Wala si Tita Candice dahil sa trabaho nya at si Stacy naman nakiover night sa kaklase nito. Ngayon magisa lang ako. Agad akong tumayo para makapagpalit ng pantulog nang matapos ako, dumaretso na ako ng kama. Pahiga na ako ng biglang may nagdoor bell sa gate namin. Wag kayo may door bell talaga kami. Bumaba naman ako para pagbuksan kung sino ito. Baka si Tita Candice lang pero sabi niya hindi siya makakaauwi, napasulyap ako sa wall clock pasado alas nuebe na ng gabi hindi si Stacy dahil ayaw niyang matulog ng late dahil gusto niya laging nagbu-beauty rest.


Sino naman kaya eto?


Nagkibit balikat na lang ako at lumabas ng bahay. Agad na yumakap sakin ang malamig na simoy ng hangin. Nakapj's lang ako at sando nakalimutan kong magjacket. Niyakap ko na lang ang sarili ko at tuluyang binuksan ang gate.

"X.. .xander?" agad na tawag ko sa lalaking nakatalikod. Parehas sila ni Xander ng kulay ng buhok at mismong ayos nito at ang katawan nito ay katulad na katulad kay Xander. Kaya hindi ako nagkakamaling si Xander talaga ito. Anong ginagawa ni Xander dito?


Pero nagkamali ako. Lumingon siya ng may ngiti sa labi, agad akong kinalibutan sa pagngiti niyang yon. Napatingin ako sa kamay niya, isang susi ang hawak niya tumutunog ito habang pinaglalaruan niya. Napatitig ako sa paglagay niya ng kanyang hintuturo sa labi nitong mapupula. Gwapo ito at ang hot niyang tignan sa ginawa niyang yun. Ano ba Sophie! Umayos ka! Hindi mo siya kilala baka raypin ka niyan e! Pinagpapantasyahan mo pa!

Sumandal ito sa kotseng itim na nasa likod nito. May kinapa ito sa likod ng bulsa niya at pagdukot niya doon ay isang panyo ang aking nakita. Sunod sunod akong napalunok. Anung gagawin niya doon?

Hindi na ako nagaksaya pa ng pahanon. Napanood ko na 'to sa mga movies at nabasa na ang gantong pangayayari sa wattpad.Kaya mabilis pa sa kabayo ay napatakbo na ako pabalik ng bahay. Kaso may humila na sakin mula sa bewang ko at mabilis na pinaharap doon sa lalaki kanina.

At ngayon ko lang napagtantong hindi siya nagiisa infact ang dami nila mga anim. Eto ba ang kikidnap sakin? Bakit ang gwagwapo. Pero hindi ako magpapadala sa kanila! Hindi!

"A-anung kailangan niyo sakin! B-bitawan niyo ko! Hindi ako mayaman! Kaya wag ako ang kidnapin niyo! T-tulong! Mga kapitbahay! Tu---OMPHH"


Naestatwa ata ako ng takpan nitong lalaking nakakapit sakin ang bibig ko. WAAAAA!! ANG BANGO NG KAMAY NIYA! Sigurado ba siyang kidnapper siya!? Tinignan ko siya at nginitian ba naman ako. Shet na malagkit may kidnapper bang ganto ngumiti? Ang gwapo myghad!


Nabaling ang atensiyon ko dun sa lalaki kanina. Lumapit siya sakin at hinaplos ang pisngi ko. Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang kapit nitong isang lalaki sakin. Ayoko ng lumaban. Naramdam ko na lang ang pagiinit ng sulok ng mga mata ko.



Umiiyak na ako. T.. tulong... parang awa niyo na po lord t-tulong!




"Don't worry sweetheart. I'll be gentle." sabi niya. Bigla niyang dinampi ang puting panyo sa ilong ko.



"Breath." untag niya. AYOKO! "Just breath it, sweetheart." napapikit ako. Gusto kong wag gawin ang sinasabi ng isip ko pero nalanghap ko ang kakaibang amoy ng panyo.



Unting unting nanlabo ang mga mata ko. Kasabay ng pagtulo ng luha dito.




"K.Kurt.." yun ang huli kong sinabi bago magdilim ang lahat.


















"PIA!!"


M.. .may tumawag ba sakin? Pero hindi ko maimulat ang mga mata ko. Sobrang inaantok na talaga ako.



EDITED VERSION


~•~

~Seth Ethan Cross on the multimedia


A/n: Uulitin ko po this is the new version of ITGT so kung may naguguluhan ay ang mapapayo ko po na wag niyo na po itong ihambing sa dating story. Bago na po as in New so please continue reading the story before you conclude. Maraming nagbabago lalo na ang utak ng isang author.

Again, refresh the story para mabasa ang bagong UD.

P.s NEXT UPDATE TOMORROW EVENING. Maybe 8 or 9. PROMISE PO ITO! And be ready puro bakbakan ang UD bukas.

LC

Vote and comment for dedications

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon