ITGT 9

28.5K 1K 94
                                    


Chapter Nine


Ilang araw na ang nakalipas simula ng makilala ko si Khena Monteverde. Isang buwan lang ang tanda ko sa kanya. Napagalaman ko ring boyfriend niya si Kyle at kapatid niya nga talaga si Kurt.
Naging close rin kami, minsan nga pag magtututor ako kay Kurt ay hinihiram niya muna ko para magshopping.

Tulad ngayon, nasa mansiyon ako ng mga Monteverde habang nakaupo sa sofa at pinapanood si Khena na hinahabol si Kurt dahil ipapaalam niya ako na isasama ako sa mall.


"Hey Bro! Peram ulit si Pia!" sigaw ni Khena kay Kurt na ngayon ay nakaupo malapit sakin habang nagbabasa nang kung ano man, Napailing na lang ako.


Tinignan muna niya si Khena na nakapamewang sa harapan niya. "No! Lagi mo na lang siya hinihiram. Pumunta siya dito para turuan ako!" sigaw niya.


Buti na lang talaga at di ako nabibingi sa magkapatid na 'to.


"Aba't! Sinong nagsabi sayong pwede mo kong sigawan?! Isusumbong kita kay Mommy!"


Di naman nagsalita si Kurt at binalik niya lang ang tingin sa binabasa niya kaya naiinis na napatampal ng noo si Khena pero nang mapatingin siya sakin e napalitan ito ng nakakalokong ngiti.

Ano na naman kayang balak nito?

"Pia! May ikukwento nalang ako sayo tutal naman ayaw nung isa diyan na isama kita sa mall e." sabi nya habang naglalakad palapit sakin kaya agad na napatingin si Kurt samin.


"Alam mo ba nung bata pa kami lagi ka niyang--" may sasabihin pa sana siya pero hindi niya na naituloy dahil sa biglaang pagtakip ni Kurt sa bibig nito.

"Fine!" sabay alis ng kamay niya sa bibig ni Khena. Nagningning naman ang mga mata niya at tuwang tuwang humarap kay Kurt. "But in one condition.." Agad naman napakunot ang noo ni Khena.


"Okay. What is it?" tanong niya kay Kurt.


Biglang ngumisi si Kurt kaya alam ko ng may hindi magandang sasabihin nito.




"I'll come, with you two."



-


"Bro, bilisan mo diyan! Doon na tayo sa susunod na Boutique." sabi ni Khena kay Kurt na ngayon ay bitbit bitbit ang mga pinamili ng kapatid niya. Nasa Mall na kami na pag mamayari ng mga Monteverde at kanina pa kami pa ikot ikot dito, Di naman nakakabagot dahil masayang kasama si Khena, pero kabaligtaran yata kay Kurt na ngayon ay nakabusangot ang mukha.


"Fuck, This is so gay!" naiiritang bulong niya pero rinig ko naman dahil katabi ko lang siya. Palihim naman akong natawa dahil sa narinig ko, sama mo na rin ang pagbibitbit nya ng mga paper bags.


Akalain mong ang kinakatakutan sa school ay parang bading ngayon kung makaarte habang parang sunod sunuran lang sa kapatid nya, Ang cute nya—este wala!


"Hey Pia, are you listening?" natauhan naman ako ng sabihin yun ni Khena kaya nahihiyang napakamot na lang ako sa batok ko.


"Ano yun ulit?" tanong ko pero imbes na sagutin nya ko ay hinila niya lang ako sa isa Boutique.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon