ITGT 7

23.8K 987 42
                                    


Chapter Seven


Nagtatrabaho ako ngayon dahil nga walang naman akong tutor at wala na din naman akong gagawin, kaya eto naisipan kong pumasok ng maaga sa part time job ko. Nakakahiya na din sa Boss ko, lagi na lang kasi niya iniintindi ang sitwasyon ko, buti na nga lang at di ako natatanggal dito. Nagpupunas ako ng table ng maalala ko yung nangyari sa PR at kung bakit ganun na lang ang reaksiyon ni Kurt nung may tumawag.


Flashback


Seryoso ang tingin niya. "She's Back, We need to fetch her in the Airport." sabi ni Kurt na nagpasinghap ng iba sabay takbo palabas. Ako naman ay takang taka sa mga nangyayari. Napatingin na lang ako kay Kurt na nakatingin rin pala sakin. Ay hindi sa palda ko pala. 


Tatanungin ko na sana siya kung anong nangyayari nang bigla niyang ibato yung jacket na nasa sofa.


"Abat—" magre-react pa sana kaso dahil dakilang sabatero si Kurt, hindi niya na ako pinatapos. 


"Suot mo sa bewang mo dahil hindi magandang tingnan." makahulugang sinabi niya sabay iwas ng tingin sakin, pero hindi nakaiwas sa mata ko ang mga tenga niyang namumula  kaya napataas naman ang kilay ko.



"Mauna ka na, we have some important matters to do." dugtong niya sabay lakad palabas. Naiwan naman akong nakakunot ang noo sa loob ng PR nila, Saan naman kaya pupunta yung mga yon? Teka paki ko ba! HMP! 


Di na sila ulit pumasok  hanggang sa mag-uwian, hindi ko na sila nakita kaya di na rin ako pumunta kayla kurt at pumunta na lang dito.


"Hoy Sophie! Dekada na, di ka parin tapos diyan. Tignan mo nangingintab na sa puti yang table!" singhal ni Luis Shan Romero na nagpabalik naman sa realidad ng diwa ko, isang baklang di masyadong halata. Naging kaibigan ko simula nang nagtrabaho ako dito.



"Pati bakit laging lutang ka ngayon? kaloka, pumasok ka nga, lutang naman." dugtong pa nya.



"Oo nga, Sophie may sakit ka ba? pahinga ka na lang, okay lang naman walang masyadong customer." nagaalalang sabi ng Boss namin na kakadating lang. Siya si Stephen Evangelista. Napaka bait nya at tinuturing kaming pamilya, kahit hamak na empleyado nya lang kami. Di rin siya katulad ng ibang mayayaman na matapobre.



Nahihiyang umiling naman ako sa kanya. "A-ahh wala okay lang ako. May iniisip lang." paliwanag ko.


"Ikaw bakla ha! Wag mong sabihing may jowa ka na! bruha ka, naunahan mo pa ko!?" histerikal na tanong naman ni Luis sakin na para bang magugunaw na ang mundo.


Agad naman akong umiling sa sinabi niya. "Hindi loka! Ano ka ba!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya.


"Kailangan talaga may pag hampas? Okay sarreh na sarreh okay?" napakaarteng sabi ni Luis sakin kaya napatawa naman ako.


"Mabuti naman at di masama pakiramdam mo, di naman masyadong kawalan pag nawalan ng isa ang magseserve sa customers. ang mas mahalaga ay kalusugan ng mga tauhan ko." singit ni Boss habang nakangiti, OA naman na napahawak sakin bigla si Luis habang ang isang kamay ay nakahawak sa ulo niya, na parang nahihilo.

"B-boss, p-parang masakit ang ulo ko." arte naman niya. tinatamad nanaman yata mag trabaho. Sa katunayan ay mayaman talaga siya pero tinakwil nang Daddy niya kaya ayan binubuhay ang sarili niya, ayaw kasi ng Daddy niya sa bakla. E itong lalaking 'to dyosa daw siya at di bakla, Tss sakit niya sa bangs no?


Binatukan naman siya ni Boss habang natatawa, Nagtataka ba kayo kung bakit Boss lang ang tawag ko sa kanya? Sa katunayan, gusto nya ngang itawag ko sa kanya ay Stephen o kuya pero trip ko talaga ang Boss e, kaya pinabayaan na nya lang kami.


"Baka gusto mong bawasan ko sweldo mo?" pananakot ni Boss na ikina nguso naman ni Luis.Natawa naman ako ng mahina dahil di bagay sa kanya



"Grabe ka sakin Fafa, pwerket megende ako, ginaganyan mo na ko huhu." sabi nya na parang naluluha na. nagkatinginan naman kami ni Boss tsaka sabay na tumawa.



Mabilis lang natapos ang trabaho ko kaya agad rin akong nakauwi. Nadatnan ko naman sila Tita na nanonood sa may salas.

"O, Iha nandyan ka na pala may pagkain dyan sa kusina, kumain ka na lang." bungad ni Tita sakin nung napansin niya akong pumasok.


"Salamat po Tita, Pasensya na po't ngayon lang ako nakauwi." sagot ko naman. Napatingin naman ako kay Stacy na tulad ng dati ay irap ang salubong sakin.



"Okay lang iha, Sige kain ka na, Umuna na kami dahil gutom na gutom na daw si Stacy." sambit niya kaya tumango na lang ako



"Palamunin lang talaga.." bulong ni Stacy na di nakaligtas sa mga tenga namin ni Tita, lagi siyang ganito. Ang totoo nan ay masakit para sakin na ganto ang trato niya sakin, magpinsan kami pero para sa kanya pabigat lang ako sa bahay. Sa katunayan nung una mabait at malapit kami sa isa't isa, tinuring ko siyang parang kapatid ko pero hanggang sa isang araw ay bigla na lang siyang nagalit sakin sa hindi ko malamang dahilan. 


"Ano ba Stacy?! tumigil ka." saway ni Tita sa kanya.


"Whatever! Lagi mo na lang pinagtatanggol yang bababeng yan! ARGH!" padabog siyang tumayo sabay takbo papunta ng  kwarto niya.


Napabuntong hininga naman si Tita bago bumaling sakin. "Pag pasensyahan mo na lang yang pinsan mo ha?"


"Okay lang po Tita, Sanay na ko sa kanya."


"Pasensya na talaga, Sige susundan ko muna.." tumango na lang ako kaya't umakyat na siya. Ako naman ay pumuntang kusina para kumain.


Pagtapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinggan ko saka umakyat sa aking kwarto.

Nagpalit muna ako ng pantulog bago humiga ng kama pero hindi ko inaasahan ang biglang pagtunog ng cellphone ko. Nang tignan ko, unknown number ang natawag kaya nagdalawang isip akong sagutin pero biglang namatay ang tawag kaya hindi ko na lang pinansin. Ilang minuto lang din nakatanggap naman ako ng text sa parehong number kanina. Bigla akong napatigil ng nabasa ko ito.



From: 09*********


"I miss you , Phie."


EDITED VERSION

~•~

 Adrian Natividad on multimedia

LC

Vote and comment for dedications

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon