ITGT 37

8K 345 78
                                    

A/N: Medyo mahaba ang ud ko ngayon hihi.

Dedicated to @JudithTaer and @Marialelz Maraming salamat sa pagsuporta ng ITGT :*

P.s Let's all greet Sophie Gonzales a happy birthday!

Chapter Thirty Seven 

"Sophie!"

Nakatitig pa rin ako sa likod ni Aubrey habang papalayo na siya nang tawagin ako ni Ethan. Hays lagi na lang akong nahahanap ng isang 'to.

Nakangiti akong humarap sa kanya pero ang layo na naman ng tanaw niya. May problema ba ang isang 'to siguro iniisip niya yung test kanina nangangamba siguro na di siya nakapasa. Hala final exam pa naman yun huhu baka di siya makagraduate kapag bagsak siya.

"O? Bat ganyan mukha mo?" napansin niya ata yung namamsa kung mga mata.

Kita ko ang pagtagis niya ng bagang at mariin na titig sakin. "Inaway ka ba nun? Shit. Anung sinabi sa'yo?" Ang tinutukoy niya siguro ay si Aubrey. Galit pa rin ang mga mata niya pero ng tumawa ako e natigilan siya.

"Bakit naman ako aawayin ni Aubrey e ang bait bait niya sakin." Katwiran ko.

Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mga mata niya. "Sophie, di lahat ng lumalapit sa'yo ay mabait yung iba inaaabuso lang ang kabaitan mo." 

Napangiti naman ako ng may maalala sa sinabi niya. "Sus parang ikaw lang." tudyo ko.

Nagpout naman siya sa narinig. "Sophie nagsorry na naman ako sa'yo ah. Pati goodboy na ako ... di tulad ni Monteverde."

"Ha?' nabingi ata ako ang labo ng sinabi niya sa huli yung "goodboy" kuno lang naiintindihan ko.

Ngumisi naman si Ethan at inakbayan ako. Hays sanay na ako sa bigat ng braso niya. Paano ba naman sumasama daw siya sa gym tuwing gabi pa sa bahay nila Rix. Kaya mamasel siya e.Ganun rin naman si Kurt ... napailing naman ako hays si Kurt na naman ang nasa isip ko.

"You okay?" si Ethan. Tumingila naman ako sa kanya at ngumiti. Okay ako okay na okay.

Hapon na nang ihatid ako nila Ethan sa bahay paano ba naman nagaya sa mall ang mga bata na kulang na lang ay limusin ang stuff toys sa Claw Machine. Magagaling naman sila lalo na si Sean limang stuff toys ang nakuha niya binigay niya sakin yung dalawa isang lalaking bear at babae para daw partner. Tuwang tuwa naman ako nang malaman na walang nakuha si Cyrus at si Drei pero nagulat na lang kami sa balak ni Hern bilin ang claw machine dahil wala siyang nakuha ayun magpapapraktis daw siya sa bahay kaya pagkatapos nila akong ihatid sa bahay sila ni Hern tutuloy. Sila Ethan, Wes naman at Rix ang di nakisali sa amin mas pinili nilang maglaro ng basketball. Naging makabuluhan ang araw ako at dahil yun sa kanila na pagkatapos naming makipag bakbakan sa test at paduguin ang aming mga utak malabas lang ang mga sagot deserve naman naming magliwaliw.

Kinabukasan ay panibagong araw na naman kaya napaaga ako ng pasok. May iilan pa kaming nakahandang test. Puspusan rin ang pagrereview ko kagabi kahit naman lumabas kami kahapon ay kinagabihan di ko nakaligtaan ang magaral. 

Papasok na ako ng room nang may humigit ng braso ko. Napatili pa ako medyo natakot rin dahil ako pa lang naman ang tao rito tas may biglang hihigit sa'yo sinong hindi kakabahan dun.

"Chill! Pia ako lang ito!" bigla naman nagliwanag ang mukha ko ng makilala ang boses na yun. Paglingon ko ay niyakap ko kaagad siya.

"Xander huhu .. Xander pinapansin mo na ako. Na-miss kita." Naiiyak kong sinabi.

Naramdaman ko ang pagsukli niya ng yakap sakin at natawa rin siya. "Miss na rin kita, Pia." Kumalas siya ng yakap at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt