ITGT 25

21.1K 851 141
                                    


Chapter Twenty five


Nandito na ko sa room at nagiintay sa teacher namin. Late kasi lagi si Ma'am Dimaano. Kaya eto nakatutunga lang ako kay Kurt habang natutulog. Sabi niya bantayan ko lang daw siya. May sapak rin tong si Kurt no? matutulog lang kailangan pang bantayan. Pero ayos lang haha libre titig na rin ako sa kanya.

Ayos na kami pati binalik nya na rin ang pag tututor ko kahit alam kong matalino naman siya talaga. Tamad nga lang.


Naputol naman ang pag iisip ko nang biglang pumasok ang hinihintay namin. "Goodmorning Class!" masiglang bati niya saamin.


"Goodmorning Ma'am!" bati namin pabalik. Tinignan ko si Kurt na tulog pa rin. Bakit ba laging tulog ang lalaking ito? Anung pinagkakaabalahan niya sa gabi?


"Kurt? Gising na nandyan na si Ma'am." napatingin pa ako kay Ma'am na may kausap sa labas ng pinto. "Kurt!" tinapik tapik ko pa yung pisngi niya.


"Pia.." tawag ni Kurt sakin. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.


"Oo ako 'to kaya gumising ka na." tatapikin ko na sana ulit yung pisngi niya ng hulihin niya ang kamay ko. "Kurt naman e, gising na." hinila ko yung kamay ko kaso hinigpitan ni Kurt ang hawak dito.


"Okay class may bago tayong makakasama sa klaseng ito." napatigil ako sa paghila ng kamay ko ng sabihin yun ni Ma'am.


May new students? Tumingin siya sa may pinto kaya lahat kami napatingin rin doon. "Please gentlemen, come in." isa isang pumasok ang pamilyar na mga lalaki.


"Hi! New classmates!" literal akong napanganga ng makita ko sila. Anung ginagawa nila dito?


"You've got to be kidding me!" sabi ni Xander sa tabi ko. Well okay na kami ni Xander nasabi ko na bang ang bait bait niya talaga! Dahil tinanggap niya na hindi ko talaga masusuklian ang nararamdaman niyang pagmamahal sakin. Kaya eto bestfriend ko na siya! kahit nakakaguilty pero sumangayon naman siya dahil atleast ang bestfriend daw laging nandiyan kahit anong mangyari.








"PHOENIX!" gulat na sigaw ni Adrian at Dom.


Mukhang nakuha nila ang atensyon ng lahat pati ng bagong students.

"Darkchaos! Hi!" kumaway pa si Cyrus saamin. Hindi na sila nagpakilala pa lumapit na sila saamin.

"Phie.." tawag ni Ethan sakin. Umupo siya sa harapan ko tas sila Drei naman pinalayas yung iba pang nakaupo sa harapan namin.


"E-ethan? Anung ginawa niyo dito?" tanong ko.


"Dito na ako magaaral para lagi kitang makita. I miss yo-" Hindi na niya naitukoy ang sasabihin niya dahil...


"KURT!" sigaw ko.

Ikaw ba naman hilahin bigla at paupuin sa likuran nya na bakanteng upuan, Psh kala ko ba tulog siya. Waaaa nakakahiya! lahat tuloy sila nakatingin saamin pwera lang sa Darkchaos na tuwang tuwa pa ata. Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें