ITGT 5

25.4K 1.1K 117
                                    


Chapter Five


Magmamadaling araw na pero eto ako, hindi pa rin ako makatulog. Yung diwa ko buhay na buhay parin dahil sa Justin na yan! Hmp! Hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin ko ay naaalala ko ang nangyari kanina.


Flashback


"From now on call me Kurt. Like you're always calling me Pia."


Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko natataranta na ako! Sino ba namang hindi, diba? Bigla bigla naman!


"H-huh? Bakit naman. Diba ayaw mong tinatawag ng ganon? Teka may lagnat ka ba? may masakit ba sayo?" medyo histerikal na sinabi ko at kahit takot ako sa kanya eh lumapit pa rin ako para hipuin ang noo niya pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko. Waaaa! Anung ginagawa niya. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko!


Mabilis kong binawi ang kamay ko. Pero sa higpit ng kapit niya ni hilahin ako palapit sa kanya e madali niyang nagawa.


"Hoy! Kur—Justin!! Bitawan mo ko, kailangan mong magaral." muntik ko na siyang matawag na Kurt. Aba malay kong niloloko lang ako nito, baka magalit pag tinawag kong Kurt e.


Nakatingin lang siya sakin at ayan na naman yang malungkot niyang tingin sakin. Napaka-abnormal talaga ng batang 'to! Jusko! Please ibalik niya na po yung masungit na Justin. Kaloka!


"Ano ba uuwi na lang ako kung ganyan ka. Pinagtittripan mo lang ako e!" natatarantang sambit ko sa kanya. Akmang tatayo na ako nang bigla nya lang akong hilahin papunta ulit sa kanya sabay niyakap ako ng sobrang higpit.


"J-Justin..."

"Please don't move, let's just stay like this." sa tono pa lang ng boses niya parang may tao siyang matagal na hinahanap at sobrang miss na miss niya na ito. Hindi ko alam kung bakit hindi gumalaw na mismong sarili kong katawan ay sinunod ang sinabi ni Justin. At mas lalo lang bumilis ang tibok ang puso ko. Mamamatay yata ako ng maaga nito.


Natahimik lang kami ng ilang minuto hanggang sa siya na mismo ang kumawala sa yakap na yon. Agad akong napatingin sa kanya na nakatingin din pala sakin habang hawak ang kamay ko. bigla na lang akong namula kaya umiwas na ako ng tingin sabay bawi ng kamay ko at siya naman ay napahawak na lang sa batok niya sabay tayo sa may sofa.


"I think you should go. I'll call the driver para maihatid ka." sabi niya habang palabas ng library kaya napatayo ako para sundan siya.


"O-okay lang ako kaya ko na mag isa. O kaya sila Xander na lang maghatid—"


"NO!" hindi niya na ako pinatapos dahil sa biglaang pagsigaw niya na ikinabigla ko. Anong problema niya? Balik na ba sa dati? Nasapian lang talaga kanina? Uuwi lang ako ng magisa sinigawan niya na ko. At anung problema kung sila Xander ang maghahatid sakin mas komportable ako sa kanila kaysa sa kanya lalo na't sa nangyari kanina!


Nanlaki ang mga mata niya sabay iwas ng tingin sakin napansin niya yatang napataas ang boses niya nang di namamalayan. "What i mean is ano.. bawal sila may pinagagawa ako kaya ang driver ko na ang maghahatid sa'yo." paliwanag niya. "Pero kung ayaw mo di wag! Hindi ako mapilit. Marami pa namang loko loko diyan. Ikaw din." sabi niya sabay iling-iling, Luh? ako pa tinakot niya? pati bakit maraming loko loko dito kung ang higpit ng siguridad dito?


"Ah okay lang yun sakin, kaya ko naman sarili ko. Sige bye!" sagot ko habang inaayos na ang mga gamit ko at nahagip ko ang biglaang pagtingin niya sakin.


"Aish! Bakit ba ang kulit mo. Tsk ang tigas talaga ng ulo mo bahala ka!" sigaw niya na parang laging nakikipagaway ako sa kanya at padabog niya rin sinara ang pinto.


Pagbaba ko di ko siya naabutan kaya lumabas na ko nang bahay nila pero habang naglalakad ako papuntang sakayan biglang may tumingil na sasakyan, binaba nito ang bintana at dun ko nakita si Justin.


Tss eto nanaman ang puso ko.


"Get in." sabi niya ng hindi nakatingin sakin.


"Bakit ka nandito Justi—"


"I said call me Kurt." pagputol niya sa sasabihin ko.


"And get in o gusto mong buhatin pa kita?" medyo inis na tanong niya kaya dali dali naman akong napasakay sa kotse niya. Baka sabihin nito ay gusto kong magpabuhat e


"Sa 143 Brgy Broken hearted, Walang poreber St." sinasabi ko lang kay Just—este Kurt ang address ko habang nagdridrive baka kasi di nya alam at kung saan ako dadalhin e.


"I know.." makahulugang sagot niya kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Huh! Alam mo? paano? sinabi nila Xander?" takang tanong ko. Sila Xander lang naman ang naghatid sakin e , baka nabanggit niya lang iyon.


Bumuntong hininga siya bago magsalita. "Y-yeah." medyo nauutal na sambit niya at kahit nakakapagtaka pa rin talaga ay pinabayaan ko na lang.


Tahimik lang kami nasa shotgun seat ako at di ko maiwasang mapasulyap sa kanya. Bakit ba biglang bumait sakin 'to? Para kasing may binabalak siya e, Hay nung una ayaw na ayaw niya sakin pero ngayon bakit ngayon siya pa naghatid sakin ? ARGH!


"Hey." sabay pitik niya ng ilong ko. "We're here, so stop staring at me and step outside my car." napahawak ako sa ilong ko. B-bakit niya ginawa yun? Binabawi ko na ang mga sinabi ko, di pala siya naging mabait, ang sakit kaya nung pitik nya! Dali dali akong bumaba at kahit papaano ay nagpasalamat at akmang maglalakad na nang bigla nya kong tawagin kaya humarap ako sa kanya.


"Goodnight, Pia." tawag niya sakin ng may ngiting pamatay! Muntik na nga akong bumulagta sa kalsada, kaloka!


Di pa ko nakaka-react ay pinaandar na nya ang kotse niya paalis. At ako naman naiwang nakatulala habang kagat kagat ang labi ko para iwasang mapangiti ng todo. Teka bat ako nangingiti?!

 

Yan yung nangyare at hanggang ngayon hindi mawala wala sa isip ko! Pero teka? Bigla na lang akong napabangon sa higaan ko. Anong tawag niya saakin? Pia? Ang weird niya talaga.


EDITED VERSION

~•~

Dominic Sarmiento on multimedia

A/N: Thank you sa walang sawang sumusuporta ng story na ito. ~Saranghaeyo💕

LC

Vote and Comment for dedications

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now