ITGT 18

22K 907 73
                                    

Chapter Eighteen 


Ilang araw na ring panay ang sama sakin ni Xander. Simula nung niligawan niya ako ay lagi niya na akong sinasamahan. At naging okay ang lahat dahil doon pero hindi pa rin maiiwasan ang mga bulong bulungan sa school lalo na't bihira na ngang sumama si Xander sa DarkChaos. Wala akong Kurt na nakikita miski sa room ay wala siya. Dumadating nga pero natutulog lang kaya kahit katabi ko siya feeling ko ang layo layo niya sakin.


Kasalukuyan akong palabas ng room wala si Xander ngayong araw dahil may kailangan daw siyang gawin kaya magisa akong magbebreak time ngayon.


Naglalakad ako ngayon papunta ng cafeteria nang makasagap nanaman ako ang mga iba't ibang chismiss tungkol kay Kurt, lagi raw itong nakikitang may kahalikan na babae sa kung saan saan at iba't ibang babae na rin ang sinasamahan niya. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naririnig ko yun pero itong huling narinig ko ay kakaiba.


May kasama daw si Kurt na sobrang gandang babae nung isang araw. Mukhang masaya daw si Kurt sa babaeng kasama.


Napayuko ako at nakagat ang ibabang labi ko. Sino kaya yun?


"Sophie!" agad akong napalingon ng may tumawag sakin. Napangiti naman ako ng makitang si Adrian at Dom ito. Grabe namiss ko ang dalawang ito.


"Adrian? Dom? Kamusta?" masayang bati ko sa kanila.


Nakita kong napanguso si Adrian. "Sophie namiss ka rin namin lalo na si Boss." ngumiti na lang ako sa huli niyang sinabi.


M-miss niya ko?


"Oo nga kung ano man ang problema niyo. Ayusin niyo na. Gago kasi si Xander e. Pero hayaan mo, si Jus kasi nagse—"


Hindi na naituloy ni Dom ang sasabihin niya. Dahil umalingawngaw ang boses niya sa buong hallway. Napatigil ang lahat ng estudyante na nandito.


"ADRIAN! DOM!"


Nakayukong lumingon yung dalawa at nilapitan si Kurt. Nang magtama ang tingin namin ay ramdam ko ang malamig na titig niya. Pero nagulat akong makitang puro pasa ang pisngi niya at may hiwa ang kilay niya, may bandage rin ang kanang kamay niya.


Anung nangyari kay Kurt?


Lalapitan ko sana siya kahit pagtabuhayan niya ko, okay lang basta matanong ko lang kung anung nangyari o maayos ba siya. Pero bago ko pa magawa yun ay tinalikuran niya na ako.


Napatigil ako. Ano bang ginagawa ko? Wala naman akong karapatang magalala ah. Napabuntong hininga na lang ako at nagdesisyong bumalik ng room. Nawalan na ako ng ganang kumain.


--

Halos hindi na ako nakapagconcentrate sa klase dahil sa nakita kong itsura ni Kurt, hindi rin siya pumasok pati si Adrian at Dom. Tanging nandito lang ay si Kyle. Nginingitian niya ako minsan, mukhang alam niya ang problema pero mas pinili niyang wag mangialam.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat