ITGT 35

9K 329 52
                                    

A/N: Meet Aubrey Cha! The newest character! Prepare for what you are going to read :) Enjoy!

Chapter Thirty five

Ethan's POV

"Sophie!"

Tawag ko kay Sophie kanina pa kasi siya tulala habang nilalaro ang ballpen niya sa lamesa.

"Hah." Wala sa sarili niyang sinabi.

Ngumiti lang ako at hindi na pinansin ang pagiging pre-occupied these days. Hindi ko siya masisi wala ang boyfriend kun niya. Nasaan ka ba Monteverde?

"Nakauwi ka ba ng maayos kahapon?" tanong ko sa kanya. Tinanggal ko ang foil na nakabalot sa burger na ginawa ko para saamin dalawa. Buti lunch na para maipatikim ko naman ang special burger ko.

"Oh, kainin mo gawa ko." sabay abot sa kanya mabuti na lang kinuha niya at Malaki ang pagkagat niya sa burger.

"Maayos naman akong nakauwi." Sagot niya sa tanong ko. "Pero.."

Napatigil ako sa pagkain at hinihintay ang sasabihin niya.

Tinignan nya akong maigi parang may bumabagabag sa kanya.

"May nakilala ako kahapon... actually matagal na kaming nagmemeet akala ko nagkataon lang pero parang may kailangan siya sakin-

Di na niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang nagkagulo sa loob ng canteen. Maraming esudyante ng nagsilabasan at pumunta sa kung saan.

"Anong meron?" bigla ko na lang natanong. Tinignan ko si Sophie na curious rin ata.

"Tignan natin." Suhestyon ko.

Tumango siya at sabay kaming lumabas ng canteen. Sa parking lot nagkumpulan ang ilang estudyante. Sa dami ng estudyanteng nakaharang nahirapan kaming makita ang nasa harapan namin.

"Is that Justin? Oh my! Who's that girl beside him?"

"Ang ganda naman ni ate!"

"WAHHHH! Siya yung sikat na model sa Korea!"

"OO NGA! It's Aubrey Cha! Ang pretty pretty niya in person!"

Nagkatinginan kami ni Sophie sa sinabi ng mga babae sa harap namin.

"Wait! Sophie!" pigil ko sa kanya pero huli na ako.

Pinagtutulak niya ang mga estudyante sa harap it caused her to out her balance and fall in her knees. Gusto ko mang lapitan siya pero nang makita ko si Monteverde di na ako nakagalaw.

Yung tingin kay Sophie ng makitang nasaktan eto sa nangyari ay parang wala lang. Titigan niya nga lang e. Umiwas pa siya ng tingin habang ginagaya ang babaeng kasama niya. I know her, siya ang pinakasikat na model sa Korea. She even got in Sports Magazine everyone idolizes her miski ako. But ang makita si Monteverde kasama ang babaeng tulad ni Aubrey ay nakapagtataka. As far as I know hindi niya type ang mga tulad niya.

Nilapitan ko si Sophie, she's still sitting in the ground. Face down na parang pinagbagsakan siya ng langit dahil sa nangyari.

"Are you hurt? Dapat nagdadahan dahan ka." Agad kong chinecka ang mga tuhod niya at kamay. May galos man pero kakaunti.

Hindi siya sumagot talagang nakayuko lang siya. Magsasalita pa sana ako ng hawakan niya ang laylayan ng uniporme ko.

"Na..nakita niya ako diba? P.pero bakit di niya ako pinansin... ano yun? Anong nangyari?" sinasabi man niya iyon sakin pero pakiramdam ko para sa sarili niya yun.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now