ITGT 8

24.6K 1K 56
                                    


Chapter Eight


Nagising na lang ako sa malakas at sunod sunod na katok sa labas ng pinto ko.  Sino ba yun?


"Sophie! malalate ka na, di ka pa ba gising?" boses ni Tita, Umungol ako. Inaantok pa ko


Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan. Kahit inaantok pa ko ay sinikap kong imulat ang mga mata ko para tignan ang oras. At laking gulat kong makita na mag alas-syete na!


"WAAAAAA!! 6:43 NA!!" sigaw ko. Alam ko nagalarm ako e! Bakit ganun, Alas-syete pa naman ang pasok ko. Di tumunog ang alarm ko ARGH! Kainis!



Dali dali akong bumangon sabay kuha ng tuwalya para maligo ng makapasok na. Matapos kong magayos ng sarili ay bumaba na ko, naabutan ko lang si Tita na nagtitiklop ng damit. Siguro pumasok na si Stacy.


"Tita una na po ako, hindi na po ako kakain, late na ko eh. Salamat po sa paggising." pagpapaalam ko kaya napatingin sakin si Tita.

"Sige mag-ingat ka iha!" sagot ni Tita pabalik kaya tumango na lang ako sabay takbo palabas ng bahay.


Napatigil naman ako nang makita ang nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay namin. Kita ko pa ang mga nakikiusyosong pag tingin mga kapitbahay namin. Marahil nagtataka kung kanino iyon.


Nagulat na lang ako ng biglang may lumabas na lalaki doon na nakasuot ng black suit. Butler? Lumapit naman ito sakin. "Goodmorning, Miss Sophie, sakay na po kayo." magalang na bati ni Kuya sakin sabay tungo.


Nagtatakang tinuro ko yung sarili ko. "A-ako?" baka kasi nagkakamali lang siya e, malay mo hindi ako yung Sophie na sinasabi niya.



"Kayo po Miss Sophie, pinadala ako ni Young Master dito para sunduin kayo." sabi niya. 


Napa-Ahh na lang ako ng mapagtanto kung sino ang tinutukoy nya. Bago 'to ah, si Kurt pinapasundo ako sa driver niya hmm? Bakit kaya?


Sumakay na lang ako, tutal libre sakay na 'to e, tatanggi pa ba Sophie? syempre hindi.




-

Dahil nga late na ako, mabilis na akong bumaba ng kotse. Pinasalamatan ko naman si Kuyang Driver tsaka ako tumakbo. Nasa sa hallway na ako ng tumigil ako sa pagtakbo dahil hindi naman pwedeng tumakbo dito at baka may makakita pa sakin at mareport pa ko sa kataas taasan.


Marami naman ang nagkalat na estudyante sa paligid, May klase ang lahat ah? bakit nasa labas sila?


Di ko na lang pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko pero napatigil ako ng may tumawag ng pangalan ko.


"Pia!" sigaw ng kung sino man kaya pasimple akong napaharap kung san nang gagaling ito at bumungad sakin ang Darkchaos na may kasamang babaeng nakalingkis kay Kurt. Agad naman akong nakaramdam ng pagkainis na di ko alam kung saan o kanino.

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon