ITGT 38

4K 132 55
                                    

I Dedicate this chapter to JavierAnggaoII keep supporting my story labya :*.

Chapter Thirty Three

Naging masaya ako sa mga sumunod na araw. Natapos ang mga test namin at sa awa ng diyos ay nakapasa naman kaming lahat, though kahit kinabahan yung secretary naming si Grace Napolis na baka hindi siya nakapasa Pati ang friend niyang grade conscious na si Jeffrey. Kahit nga ang Darkchaos e, kinabahan lalo na ng magtawag ng mga nakapasa si Ma'am, nakatingin lang ako kay Kurt nun, may pagasa sa mga mata ko na sana tignan niya rin ako. At hindi nga ako nabigo dahil ng tawagin ni Ma'am ang pangalan ni Kurt hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi ko.

"Wow. This is the first time na nakakuha ng over 90 si Mr. Monteverde sa test. Congratulation to you." pagaanunsyo ni Ma'am na sanhi ng paghihiyawan ng lahat.

"Sana everyone matalino!" si Adrian.

"Gago everything yun!" si Dom.

"All yun mga tanga!" si Cyrus.

"Hoy, paburger ka na lang Monteverde!" nakisali pa si Ethan.

"Palamig daw sa canteen yung maraming asukal!" si Drei

Napatawa ako sa sinabi ni Drei. Puro kalokohan talaga, napapailing na lang ako. At nang lingunin ko ulit si Kurt parang biglang nawala ang ingay sa paligid na parang ang mga mata lang namin ni Kurt ang nagkakaintindihan,

He smiled and so am I.

"Ang galing mo Kurt nakapasa ka" biglang bigkas ng bibig ko.

Hindi pa rin maalis ang ngiti niya kahit na bumuka ang mga bibig niya sa salitang minsan ay akala ko hindi ko na maririnig pa.

"It's because of you, babe."

"Sigurado ka!?" umagang umaga ng katukin ako ni Ethan sa kwarto. may outing raw kami. Which is hindi namin napag-usapan before but the way he is saying goodbye to Tita Candice made me doubt if she really didn't know where we going. Inalok ko rin isasama ko si Stacy but she denied and said na ayaw paistorbo ng pinsan ko sa umaga.

Ang dami ring habilin sa akin ni Tita. She insist na wag akong lalayo kay Ethan. Laging paalala niya sakin na I should not left by myself. I shrugged it off how I find it weird though baka ang safety ko lang naman ang inaalala niya. Kaya ng pinayaagan niya ako sa outing na ito ay pinagsawalang bahala ko na lang ang pagdududa ko.

After that sumakay na kami sa dala niyang van kung saan nagiintay na rin ang iba. Buong byahe ko kajamming si Cyrus sa pagkanta ng ballad song. Nahinto lang yun ng makita ko kung saan huminto ang van. We already on the airport. Ethan hands me a paper and the destination was written in bold letters.


"JAPAN!"

Parang mawawalan ata ako ng ulirat sa nakikita kong naglalakihang eroplano. Yes, matagal ko ng gustong pumunta sa bansang iyon pero hindi ko naman akalain na now na, ni wala akong passport at visa.

Nagugulat ako sa takbo ng isipan ng Phoenix, sila na daw bahala sakin. May private jet pa sila na sasakyan namin.

Nahihilo na ako sa nangyayari kaya ng umupo ako sa loob ng jet ayun agad kong binatukan si Ethan.

"Ethan! Japan talaga ha! Tignan mo dala ko!" binuksan ko yung lumang jansport ko na puno ng damit at bikini.

Kumunot ang noo niya sa nakita. "What did you pack? Swimsuit really?" nakangisi pa ang gago. Tuwang tuwa ata sa kalokohan niya.

"Outing ang sabi mo diba!" singhal ko sa kanya.

Tumango naman siya. Mukhang pa-inosente. "Yeah. Outing."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now