ITGT 12

23.2K 977 70
                                    

Chapter Twelve


Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria dahil wala naman akong dalang makakain lagi kasing sa PR na ko kumakain dahil utos yon ni Kurt at dahil libre sinusunod ko naman. Pero iba na ngayon nauna na kong lumabas ng room. Ayoko kasing kasabay si Kurt dahil na rin naiinis ako sa kanya at medyo mailap rin na siya ngayon at masungit. kumbaga balik sa dati


Di ba dapat ako ang naging mailap? Hustisya mga bes! Di ko alam kung bakit ganon na naman ang drama niya.


Nang makarating na ko sa cafeteria ay lalong lumakas ang bulong-bulungan. Hay sige lang pagusapan niyo lang ako. Pero ngayon may ibang namumuri na sakin hindi puro lait.


"Bro si sophie oh~ ganda talaga niya!"

"Oo bro di ko akalain pang model ang ganda niya."

"In love na yata ako."

"Anghel na bumaba sa lupa!"

"Ang ganda ganda ni Sohpie!"


Napadali naman ang pagbili ko ng makakain dahil yung iba dito ay nakatulala lang sakin at binibigyan-daan ako. Matapos kong bumili ay akmang maghahanap na ko ng mesa ng biglang may mga babaeng humarang sakin, Sino nanaman 'to ngayon?


"Hey bitch! Miss me?" lumingon ako para tignan kung sino ang tumawag sakin non.


"Yes, Hey! Bitch." singit ng isang kasama ni Kristel. Oo siya na naman, wala ba siyang kasawaan.


"Please wag ngayon, gutom ako." walang gana kong sagot. Di ako pumapatol sa kahit sino pero wag lang kung gutom ako dahil di ko napipigilan ang sarili ko. Baka siya ang lamunin ko ng buo.


Mukhang nabigla siya sa sinagot ko at tinignan ako ng hindi makapaniwala. "Aba't sumasagot kana?! Pake ko kung gutom ka na? Tinanggal lang yang salamin mo kala mo magada ka na?! Pangit ka parin, nerd!" sigaw niya na ikinatigil ng lahat ng tao sa canteen. Nagsimula na silang palibutan kami. Mga chismoso't chismosa talaga, hindi mawawala.


"Huh! Pangit parin! Nerd!" singit ulit ng kasama niya na mukha namang bakla.


Tinignan ko na lang sila. "Oh ano? Di ka makasagot?! At sabi ko diba wag kang didikit sa DarkChaos? Ang landi mo talaga." sabi niya sakin. Nakalimutan ko isa nga pala siya sa mga die hard fans kuno ng DarkChaos at isa rin sa mga nagtatangka sa buhay ko kung patuloy parin ang pag lapit ko sa kanina, eh anong magagawa ko eh tutor ako nung Leader nila? gusto ko sanang sabihin yon pero naalala ko ang sinabi ni Kurt na bawal na may ibang makaalam ng pag tututor ko sa kanya.


"Tama! landi nya!" Singit ulit ng kasama nya. Teka wala na ba siyang ibang gagawin sa storyang 'to kundi gumaya lang sa sasabihin Kristel?


"Ginagaya mo ba ko Stephanie?!" baling ni Kristel dun sa kasama niya.


I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now