ITGT 13

24.1K 915 70
                                    


Chapter Thirteen

Iniwan ko nang nagiisa si Xander sa HQ matapos kong kumain ng ice cream lumayas na agad ako gusto pa niyang hinatayin ko siya pero kailangan ko na kasing umalis. Issue na naman kasi kapag nakita ng ibang magkasabay pa kami. At isa pa, ang problemang ginawa ko kanina. Isa akong kinikilalang may mataas na grado at may magandang asal sa eskwelahan na ito. Tapos makikipagaway lang ako. 

Sophie naman kase! Pero kung hindi ko naman sila pinatulan, kailan nila ako titigilan? hanggang sa makatapos ako? Ilan taon ang titiisin ko. Ang hirap kasing magpapakatao lalo na't hindi naman tao ang kaharap mo!



Ngayon kung makatitig ang mga students dito parang ako pa ang may kasalanan. Hindi pa sila nakakamove on kaya ngayon ay pinagchichismisan nila ako. Titingin tingin niyo!? 

Napairap na lang ako hindi ko na lang sila pinansin. Kahit gusto ko ng tusukin ang mga mata nila ng takong nitong sapatos ko. Haha parang merong takong e.

Lakad here and lakad there, kung saan saan ako dinala ng sarili kong paa.Hanggang sa napansin kong nasa classroom pala ako.


Napabuntong hininga naman ako bago pumasok sa loob. Mukhang busy ang Darkchaos dahil hindi nila ako napansin. Si Kurt, ayon tulog na naman, ano bang bago dun.


Eto namang si Dom may kalandian na babae, Tss



Si Adrian naman busy sa cellphone niya, may katext ata. Halos masira na yung screen ng cellphone niya kakapindot. Ang bookworm naman sa kanila na si Kyle, ayun tahimik na nagbabasa.



Alam kaya nila yung ginawa ko kanina?


Napatingin naman ako sa desk ng upuan ko. May tubig at sandwich sa ibabaw neto. Nagtatakang napaupo na lang ako. Sinong walangyang nagiwan ng pagkain na yan sa desk ko?

Grabe! Daming batang nagugutom sa mundo, kasama na ako dun. Tas kung makaiwan sila ng pagkain wagas! Aba naman!


Hinawakan ko yung sandwich. Napansin kong may kapirasong papel ang nakaipit dito.


I know what you did in the cafeteria. I'm gonna say I'm impressed. Now eat. - KM 


Napabaling ang tingin ko sa katabi ko na mahimbing na natutulog. Ayokong magassume ha, pero sa utos pa lang ng taong nagsulat nito, Kurt na Kurt e. Tapos KM pa.


Hindi naman pwedeng si author, diba? Psh.

Pinilas ko yung papel at inirapan si Kurt kahit hindi niya nakikita, tinago ko rin sa bag ko yung tubig at sandwich, sayang e kakainin ko na lang pag nagutom ako hehe. Sa ngayon ay makikinig muna ako sa guro namin na kakapasok pa lang ng room.








-

Mabilis natapos ang klase namin nagmamadaling lumabas na rin ako ng classroom. Tinext ko na lang si Kurt na sa mansion na lang ako dadaretso at hindi na makikisabay sa kanya. Mainit pa rin kasi ang mata sakin ng mga kaklase ko pati na ang mga estudyante dito. Kaya mananahimik muna ako. Tulad ng dati nung alam niyo na nerd pa ako. Pati alam na rin nila yung nangyari kanina sa canteen kaya nahihiya ako sa kanila.


I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now