ITGT 30

16.7K 612 90
                                    

A/N: Here is chapter 30 hope you all like it! Enjoy!  



Chapter Thirty


"Ang kulit mo! Sinabi ko nang magpahinga ka na lang!" napairap ako sa inaasal ni Kurt na katawagan ko ngayon.


Nabanggit ko kasing papasok ako ngayon sa trabaho dahil wala naman akong gagawin pero etong si Kurt naman ay ayaw pumayag. Feeling niya nabaldado ako, psh. Aaminin ko masakit ang likod ko dahil sa pagkabagsak ko sa bangin pero ang OA naman kung wala akong gagawin buong maghapon kundi humilata lang. Sanay pa naman ang katawan ko sa trabaho kaya mabilis akong mabored.


Ang totoo niyan hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa misteryosong lalaking lalaking tumulong sakin sa Training Camp na hanggang ngayon pala-isipan parin sakin kung sino ba talaga siya? Yung paraan ng pagtingin ng mga mata niya, pamilyar na pamilyar sakin.


Pagtapos ng nangyari sa Training Camp hindi ko na siya nakita. Inaasahan ko pa namang taga ibang school siya. Kung sakali gusto kong magpasalamat pero nagpumilit si Kurt na iuwi ako kaya kahit ayaw ko ay pumayag na rin ako. Sayang tuloy yung experience hindi manlang ako naka dalawang araw. Kami lang din ni Kurt ang umuwi dahil hindi pinayagan ng mga teacher na wala akong kasama pauwi na alam ko namang pakana lang ni Kurt. Ano nga bang laban nila sa anak ng may-ari ng school? kaya ang ending dito, tambay ako sa kwarto ko.


"Mas makulit ka Justin Kurt Monteverde! Ang boring boring sa bahay. Wala akong magawa!" angil ko. Nasa kwarto lang ako simula ng ihatid ako ni Kurt kahapon sa bahay. Dinadalhan lang ako dito ng pagkain ni Tita, ewan ko ba, nung nalaman niya ang nangyari, sobra na siyang nagalala at di na ko pinapatulong sa paglilinis ng bahay, miske ang mga madadaling gawain lang. Pakiramdam ko tuloy pabigat na ko.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Tigas talaga ng ulo mo! Mrs. Sophie Monteverde. Sige na! Basta sasamahan kita and no buts!"


Napanguso ako saka tumango na parang nakikita niya ko. "Okay.."


"I'll pick you up. Wag na wag kang magcocommute kung hindi lagot ka sakin! I love you." aniya bago pinatay ang tawag. Saglit naman akong natulala dahil sa huling salitang binitawan niya.


Shet lang! di pa kami pero ganto na siya kasweet! Hay nako Mr. Justin Kurt Monteverde lalo kitang mamahalin niyan e!


Mabilis lang akong naligo at nagbihis mainipin kasi si Kurt, alam niyo naman.Pagbaba ko sumalubong agad sakin si Tita Candice na nagtataka kung saan ang lakad ko. Kasalukuyan siyang nasa kusina habang umiinom ng tubig at nakabihis din ng pormal, marahil ay may pasok siya sa trabaho. Si Stacy naman di sumama sa Training Camp kaya nasa school niya ngayon, cheap daw kasi kung sasama pa siya pati ayaw atang parehas kaming pasamahin ni Tita Candice na hindi ko naman alam kung bakit. Nitong mga nakaraang araw kasi may napapansin ako sa kanyang kakaiba hindi ko na lang pinapansin baka kasi tungkol sa trabaho niya.


"O, Hija. Saan ang lakad mo? Maayos ka na ba?" tanong niya ng mapansin ako.


Ngumiti naman ako. "Okay na po ako, Tita. Sa Heaven's Cafe lang po ako. Wala rin po kasi akong magawa dito." Ani ko na ikinatango naman niya.


I'm The Gangster's Tutor (On-Going)Where stories live. Discover now