[89.1] Guilt and Selfishness

65.8K 2.3K 391
                                    

[89.1] Guilt and Selfishness

Chelsea's POV

Christmas Eve na. Habang nagkakasiyahan ang iba sa espesyal na araw na ito, heto ako't magdamag na kapit ang kamay ni Papa— humihiling na sana sa kahit ganitong klaseng paraan ay matulungan ko siyang makipaglaban sa dinadamdam niyang sakit. Pero imposible... Alam kong imposibleng mangyari yun.

Masakit na makita si Papa sa ganitong kundisyon. Yung hinang-hina siya pero ako't itong walang ibang magawa kundi hawakan ang kanyang kamay. I feel so guilty and selfish of what I did. Nagiguilty ako dahil wala ako sa tabi niya nang mangyari ito at ang selfish ko dahil iniwan ko si Papa at mas pinili ko ang pansarili kong kasiyahan.

"Pa, Christmas Eve na o. Gumising ka na dyan. Kakain pa tayo ng Noche Buena nina Tito Edgar at Jacob. Nandito rin si Wayne..."

Sumagi tuloy sa isip ko yung nakaraan na Noche Buena na kasama ko si Papa. Ang sigla-sigla pa niya noon. Masaya ang buong mansion dahil inimbita ni Papa ang lahat ng mga tauhan para makisalo sa amin. His warm smile almost reached his eyes.

"'Di bale po, babawi nalang tayo sa New Year. Mag-oorganize ako ng party at mag-eexchange gift at magpapa-games pa po tayo para masaya," nakangiting sabi ko at hinaplos ng marahan at paulit ulit ang kanyang kamay. "Basta Papa, magpagaling ka po kaagad ha? Marami akong ikukwento sa'yo."

I gazed solemnly up into his face and sighed heavily as I saw how weak, tired and helpless he looked. Naalala ko tuloy yung mga panahong malayo pa siya sa amin. Iniisip ko palang ang kalagayan niya ay parang kinukurot na ang puso ko.

"Papa..." Bahagya akong tumayo at inilapit ang mga labi ko sa kaliwang tenga niya. "Naririnig mo naman po siguro ako, 'no? Magpalakas ka, Pa, ha? Nandito na ako sa tabi mo. I promise I won't leave you anymore."

As I planted a soft kiss on his right cheek and slightly gave him a light hug, a tear automatically fell from my eye. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kaya pala ganun nalang kahigpit ang yakap sa akin ni Papa bago ako tumulak patungo sa Palawan...

"I love you, Papa. So much..."

Narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto pero hindi ko yun nilingon at nanatili lang sa ganung posisyon— ang nakayakap kay Papa.

"Chelsea..." boses ni Jacob. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko at nilingon siya saglit. Worry etched his face as he stared at me. "Are you okay?"

"I'm okay here," napapaos na sagot ko at bumalik sa pagkakaupo. Sa totoo lang, wala akong nararamdaman na kahit anong pagod o gutom buhat nang dumating ako dito. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi si Papa.

"Kumain ka muna. Nagdala ako ng pagkain."

Umiling ako habang nakatitig pa rin kay Papa at dahil dun ay narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga niya.

"Chelsea, limang oras ka nang nandito sa loob ng kwarto. Hindi ka pa raw kumakain ng lunch sabi ni Wayne."

I turned my head to look at him weakly. "Jacob, please. Thank you sa pagdala ng pagkain pero wala ako ganang kumain."

He sighed in defeat as he walked toward the coffee table and placed the paper bag on it. Pagkatapos nun ay nilapitan niya ako at sinamahan ako sa pagtingin kay Papa.

"Sigurado akong ayaw ni Tito Erwin na magpalipas ka ng gutom, Chelsea. Magpahinga ka na rin. Ako na munang bahala sa Papa mo."

Isinawalang bahala ko ang sinabi niya at mataman ko siyang tinignan. "Jacob, tell me. Ano bang nangyayari kay Papa? Sobrang nag-aalala na ako. Wala man lang akong ideya bukod sa may liver cancer siya."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon