[63] Take My Word

68K 2.5K 560
                                    

[63] Take My Word

Chelsea's POV

I was wishing na sana ay bumagal ang takbo ng oras para sana ay makapag isip ako ng paraan para makalusot sa gabing ito. Pero dumating nalang ang gabing iniiwasan kong mangyari ay problemado pa rin ako. As for Wayne, kagabi ko pa siya kinukulit kung anong dapat naming gawin. Sabi niya, siya na raw ang bahala. Ugh, kampante pa ang loko!

Kanina pa nga ako na-tetempt i-text si Jake pero hindi ko magawa. Iniisip ko kasi si Wayne e. Sigurado akong magtatampo 'yon kapag inimbitahan ko nga si Jake gaya ng request ni Mama.

"E ano bang dapat kong gawin?!" With a frustrated growl, I stared at my own reflection on the mirror. Nakabihis na ako't nakaayos. Wala na akong choice. Should I invite Jake tonight?

Napangiti ako sa naisip. Kung iinvite ko siya ngayong gabi gayong ngayong gabi na rin ang dinner ay may possibility siyang tumanggi. Biglaan e. Aha! Tama, dapat biglain ko siya para hindi maka-oo. In that case, hindi siya prepared. Hindi rin siya makakapunta.

Agad agad kong kinuha ang phone ko at tumipa ng text message para kay Jake.

To: Jake

Hi, Jake. Invite sana kita sa family dinner namin tonight. Sorry kung biglaan. Gusto kang makita nina mama e. It's ok if you can't make it tonight, may next time pa naman. :)

Pagkalapag ko ng aking phone sa vanity table ay huminga ako ng malalim. For sure, walang dadalhing ibang babae si Wayne mamaya. He wouldn't want me to be upset. Baka magpapalusot nalang siguro siya kina mama at tito Anton. Might as well not bring any date with me, then para fair sa aming dalawa. Maa-upset din kasi siya kapag dumating si Jake and I don't want that to happen.

Ilang minuto lang ay tumunog na ang phone ko. Nagreply na si Jake.

From: Jake

Yeah. No worries. :)

Nanliit ang mga mata ko sa reply niya. "Pwedeng tumanggi, Jake. Pwedeng tumanggi," bulong ko sa phone habang nagtitipa ng reply.

To: Jake

Baka nakakaabala ako, Jake?

Hindi katulad ng naunang reply niya, mas mabilis siyang nakasagot sa pagkakataong ito.

From: Jake

Not at all. In fact, nandito na ako sa bahay nyo. See you in a bit!

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Seriously? Nandito na siya sa bahay? Mas lalo tuloy akong nataranta. Sheesh! Anong gagawin ko? Bakit nandito na si Jake? Kakainvite ko lang sa kanya ah!

Naputol ang hysteria ko nang biglang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at pinagbuksan ito. Bumungad sa akin ang nakangiting si mama. Kagaya ko ay ayos na ayos na rin siya.

"Chelsea, hurry up. Nandyan na si Jake sa baba. . ." She said excitedly before she left.

I'm doomed!



WAYNE'S POV


"You look so dashing tonight."

Nilingon ko si mama habang pababa ito ng hagdanan nang nakangiti. 'To talaga si mama, lagi akong finaflatter! "Thanks, Ma!" sabay ayos ko ng aking tindig.

Lumapit siya sa akin at ikinulong ang mukha ko sa dalawa niyang palad. Luh! Ano ako? Bata?

"Ma—"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon