[26] Last Night

76.1K 2.7K 457
                                    

[26] Last Night


Metch's POV


Hindi ako mapakali. Alas onse na pero wala pa si Chels! Hindi tuloy ako makatulog. Same room and same bed kasi kami. Kanina pa tapos yung reception and as far as I remember, hindi pa tapos yung reception nang umalis si Chelsea.

"Nasaan na ba yung babaitang 'yon?" Na-i-stress na ako sa paghahanap. Lumabas na ako ng kwarto ko para hanapin siya sa buong resort.

Pagkaliko ko sa dun sa cottage area, napatigil ako nang makita si Sheen dun. Parang naghahanap yata ng signal kasi inaangat niya sa ere ang phone niya.

Err... Ayoko siyang makausap kaya dahan-dahan akong tumalikod at maglalakad na sana sa kabilang direksyon nang... "Metch?"

Oh no. Pinipilit ko na nga siyang iwasan pero lagi nalang kaming pinagsasama. Kanina nga, hindi ko siya kinausap. Kaysa naman na sungitan ko siya diba?

"Metch!"

Bumuga nalang ako sa hangin bago siya nilingon. "Uy, nandyan ka pala!" Patay malisya.

"Oo..." Naglakad siya palapit sa akin. "Naghahanap ako ng signal. May tinitignan akong e-mail e. Ikaw? Ba't gising ka pa?"

Nagkibit-balikat ako at parang walang ganang tumingin sa kanya. Ang galing ko talagang umarte! "Hinahanap ko si Chels. Wala pa sa kwarto namin e."

"Ah, ganon? Tara, samahan na kita."

"'Wag na!" Humampas ako sa hangin saka humakbang paatras. Kumunot naman ang noo siya. "Err... Ganito nalang. Maghiwalay tayo. Dyan ka sa bandang 'yan—" Tinuro ko ang direksyon sa likod niya. "— At ako naman dito. Okay?"

"Madilim na. Baka kung mapaano ka pa dyan. Samahan na kita."

Wala na akong nagawa nung sabayan niya ako sa paglalakad. Hindi ako umimik. Siguro kasi, masama pa rin ang loob ko sa kanya. Ganun pa man, hindi pa rin maalis sa akin na nagkagusto ako sa kanya. I mean, gusto ko siya. Hindi nagkagusto. Hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siya kahit na dinurog niya ang puso ko sa sobrang kamanhidan niya.

"Metch, galit ka sa akin diba?"

O manhid nga ba talaga? Kinabahan tuloy ako. Geez! Hindi naman pala siya manhid. Kung manhid siya, hindi niya mahahalatang galit ako sa kanya! Emeghed.

"Hindi 'no!" Sige, deny pa, Metch.

Natawa siya. "Galit ka. Kung hindi, edi hindi mo ako sinusungitan diba? Hindi ka naman ganyan dati."

'Wag ka nang magsalita, Metch. Baka pumalpak ka lang! Kaya ayun, tahimik lang ako habang sinasabayan siya sa paglalakad at kunwari ay inililibot ang paningin ko sa paligid.

"Nagsimula 'yan nung house warming party kina Chelsea," sabi niya at halos makagat ko na ang dila ko sa pagpipigil sa pagtanggi. Halata naman pala niya e! Pero emeghed lang, hindi kaya io-open up niya yung confession ko? Waaah!

Tinignan ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Gusto ko lang sanang mag-sorry tungkol dun."

Kinokontrol ko ang sarili ko na manatiling seryoso pero sa loob loob ko ay nagpapanic na ang sistema ko. Shiz, ito na talaga! Ewan ko ba pero imbes na kabahan ay mas naeexcite ako.

"May kinalaman ba ito dun sa strawberry cheese cake na binigay mo? May sorry kasing nakalagay dun e."

Tumigil siya sa paglalakad saka niya ako hinarap. Hindi agad siya nakasagot, para siyang kinakabahan. Oh... my... ghad! Hindi kaya nagbago ang ihip ng hangin at.... KYAAHHH!

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon