[85.2] Unwanted Visitor

75.7K 2.5K 1K
                                    

[85.2] Unwanted Visitor

Chelsea's POV

Pinilit kong huwag magtama ang mga paningin namin ni Wayne habang nasa hapag kami pero hindi nakaligtas sa akin ang nakakalokong pagngisi niya. Nakakainis naman kasi 'yong maid, e! Sa hinaba haba ng pinagsasabi ko kanina, yun lang talaga ang itrinanslate niya kay Wayne?

"Ibuod ko nalang po. Sabi niya, namiss ka raw niya, Sir."

Napapapilig nalang ako ng ulo sa tuwing naaalala ko 'yong sinabi nung maid kanina. At sa tuwing ginagawa ko 'yon, nahuhuli ako ni Wayne kaya halos sasabog na siya sa pagpipigil ng tawa sa harap ko. Gusto ko sanang itama yung translation kaso huli na dahil saktong bumalik na si Mama at nagyaya nang kumain kanina. Ugh, gusto ko na tuloy umalis! Gusto kong lumayo sa kanya. Basta gusto kong pumunta sa lugar na malayo sa mapang-asar na Wayne na 'to. Kung pwede lang mag-walk out e...

"Sayang at wala si Anton. Nasa office na kasi e," sabi ni Mama sa gitna ng tahimik naming pagkain.

Actually, si Mama lang talaga ang nagsilbing host ng hapag e. Nawalan na kasi ako ng ganang magsalita lalo na sa tuwing nakikita ko 'yong panakaw— No, hindi na panakaw 'yon e, kundi bulgarang pagngisi sa akin. Ugh! Pagkatapos na pagkatapos talaga naming kumain ng dessert ay magpapaalam na ako. Babalik nalang ako kapag wala si Wayne sa bahay na 'to.

"Anyway, may boyfriend ka na ba, anak?" tanong ni Mama kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. "Magkwento ka naman, Chels."

I forced a smile as I shook my head no. "Wala po."

"Bakit naman?"

I shrugged my shoulders and stifled a soft chuckle. Bakit naman biglang naging curious si Mama sa love life ko? "I just don't feel like getting into a relationship. Though, I entertain suitors. Masaya po ako sa pagiging single. Walang commitment. I can date anyone I like..."

For some reason, napasulyap ako kay Wayne. His smirk eventually faded and replaced by a sour expression. What's wrong with him?

"Good. I am glad you're enjoying your life now. Pero Chels, baka malibang ka sa pagiging single at makalimutan mong mag-settle down."

I smiled reassuringly at what she said. "Don't worry, Ma. Darating din yung time na may ipapakilala ako sa'yong boyfriend." Yung legal at hindi forbidden. "Who knows it might be soon..."

"I am looking forward to that," aniya at bumaling kay Wayne. Napaiwas nalang ako ng tingin at nagfocus nalang sa kinakain kong leche flan. "Ikaw, Wayne? When will you introduce your girlfriend to the family?"

Pero hindi rin nagtagal ay nag-angat ulit ako ng tingin at bumaling kay Wayne. Ngumiti siya kay Mama. Tss. Mukhang nagpacute pa...

"Basta po, Ma. Soon..."

"Puro ka naman soon e. Kailan ba 'yang soon na 'yan? Four years mo nang sinasabi sa amin 'yan e."

My ears perked up at my Mama's statement. So, ibig sabihin ay hindi niya pa pinapakilala sa pamilya si Charm bilang girlfriend? Wow. Ba't naman nung kami ay handa siyang ipakilala ako? Hinihintay niya lang na maging handa ako— wait, why do I suddenly think about the past? That's kinda absurd.

Inakbayan ni Wayne si Mama at sinandal pa ang kanyang ulo sa balikat nito. "Ma, I'll introduce her to you once everything's settled. Yung soon na 'yon ay malapit na. Promise 'yan..."

"Talaga?"

"Oo naman, Ma. Gusto ko kasi kapag ipapakilala ko siya sa'yo ay diretso kasal na," sabi ni Wayne sabay sulyap sa akin. Nagbawi naman agad ako ng tingin. Bakit ba naaasar ako sa tuwing tumitingin sa akin si Wayne?

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon