[82] That Guy

63.9K 2.3K 716
                                    

[82] That Guy

Chelsea's POV

Alam ko namang posible talagang magkita kami ni Wayne anytime dahil maliit lang ang Pilipinas at... darating talaga ang araw na haharapin ko siyang muli dahil kapamilya ko siya. Pero hindi ko inaasahan na sa ganitong sitwasyon pa magkukrus ang landas namin. Para tuloy akong nakakita ng multo sa katauhan niya. Sa tuwing naalala ko kung ano ang naging reaksyon ko nang magkaharapan kami ay parang gusto kong magtago at 'wag nang magpakita pa.

My reaction earlier was frantically OA. Rude, even. Ni hindi man lang ako nagpaalam sa kanila bago umalis. Istrikto pa naman ako when it comes to our employees' hospitality but I screwed at it today bigtime.

I took the glass of water over the counter top and drank it in one gulp. Dito sa pantry ng office ako dinala ng mga paa ko galing sa eksenang iyon. God! I should calm down. Bakit ba ganito ang reaction ko nang makita siya ulit? Ano nalang ang sasabihin niya sa ginawa ko kanina? Thinking of probable scenarios made my mind whirl more. Nai-stress na tuloy ako!

I shut my eyes close then sucked in a deep breath. I did it thrice and a few more to calm my nerves before I heard a familiar voice behind me.

"Chelsea, are you okay?"

Kahit papaano ay nakaramdam ako ng relief nung makita ko si Jacob sa doorstep ng office. "Jacob..."

"Kinausap lang ako ni Dad tungkol sa problema natin sa performers sa bar." He strode twice for him to get closer to me. And when he did, his face formed a frown upon seeing me this close. "What's wrong? Why are you pale?"

Hindi na ako nagtaka kung ba't ako namumutla ngayon. Feeling ko kasi ay tinakasan ako ng hangin at ng dugo ko kanina. Relax, Chelsea. It's just Wayne...

"May sakit ka ba?" Nag-aalalang idinampi ni Jacob ang kanyang palad sa noo ko kaya agad ko iyong tinanggal.

"Jacob, nakita ko si Wayne."

His brow raised in confusion. "Wayne? Your—"

Just before he could finish what he was going to say, I cut him off right away with a nod.

Biglang nagdilim ang ekspresyon ng mga mata niya. Lumabas siya ng office kaya naman ay sinundan ko siya. He strode straight to the reception area of the resort.

"Good afternoon, Sir." The receptionist greeted courteously with a smile.

"Paki-check naman kung may Mark Wayne Madrigal na naka-check in dito. Please."

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang tanungin ni Jacob ang tungkol dun when in fact, I really saw Wayne with my eyes earlier. Ilang segundong pagtipa lang sa computer ay nasagot na agad ang tanong ni Jacob.

"Yes, Sir. He's with—"

Pinatigil agad ni Jacob yung receptionist by raising his hand. "Okay, thank you." Then he turned to me with that worried look on his face. Hinawakan niya ako sa balikat at medyo inilapit ang kanyang mukha sa akin para tignan ako ng mabuti. "Are you comfortable working around with him? Off ka kaya muna habang nandito siya? Ilang araw lang naman siguro siya dito panigurado."

Nahilo ako bigla. Hindi dahil sa pagtitig sa akin ng mabuti ni Jacob kundi dahil sa mga tanong na kusang nag-pop up sa isip ko. Why am I even panicking? Natuto na rin naman akong mabuhay nang malayo sa kanya, hindi ba? Bakit ako nagkakaganito ngayon? Naka-move on na ako completely, hindi ba?

Geez. I better sort my thoughts out.

"Chelsea..."

I snapped back from my trance when his grip turned tighter. Napa-exhale nalang ako at nagkibit-balikat. "Jacob, sorry kung medyo na-bother kita. I'm fine. Don't worry about me. Nagulat lang akong makita siya dito."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon