[23] Thirteen Guys

92.7K 2.8K 347
                                    

[23] Thirteen Guys


Chelsea's POV


"Ano bang kalokohan 'to? Thirteen guys? Blind date?" Padabog kong binuksan ang pinto ng fitting room. Nasa mall kami ngayon para mamili ng clothes ko para raw sa thirteen guys na iba-blind date ko.

"Oo nga. Paulit-ulit, Chelsea? Thirteen guys 'yon, isn't it amazeballs?" She said that with dreamy eyes at talagang nag-daydream pa sa harap ko.

"Alam mo, Metch, tigilan niyo na 'tong kaloko-"

"'Wag kang aalis dyan!" Pigil niya sa akin. Lalabas na kasi ako mula sa fitting room. Inabot niya pa sa akin ang mga pinamili niyang damit. "Isukat mo muna ang lahat ng 'yan."

Napapaisip tuloy ako. Bakit kailangan ko ng make over? Baduy pa ang pananamit ko?

"Marami naman akong damit sa bahay," sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako ng nakakaloko.

"Hayaan mo na, Chels. All expenses on Wayne naman e," sabay pakita niya sa akin ng card. nagningning pa talaga ang mga mata ni Metch. "Pinahiram niya sa atin ang credit card niya kaya hayaan mo na. Magshopping ka nalang."


ANO pa bang magagawa ko kundi ang magshopping nalang. As if makakatanggi ako e panay ang hila at abot sa akin ng damit ni Metch. Napagod tuloy ako. Parang kanina lang nag-aalmusal lang ako sa coffeeshop tapos ito na ako ngayon, nagshoshopping na.

"Wala ka talagang hilig magshopping, 'no?" Buti nalang nasa dictionary din ni Metch ang salitang 'pagod at gutom' kaya ito kami ngayon, nagmimiryenda sa isang Japanese restaurant.

"Hindi naman sa ganon."

"Eh kanina ka pa kasi nakasimangot. Swerte mo nga e. Sponsored ka ni Wayne," sabay hampas niya sa braso ko. Napa-'aww!' tuloy ako. "Yaman talaga nun, 'no?"

Hindi nalang ako sumagot. Instead, kumain nalang ako ng tahimik. Gutom na rin kasi ako. Hindi kasi nagtanghalian dahil inuna namin ang magshopping.

"Chels, naeexcite ako sa thirteen guys mo."

Napatigil tuloy ako sa pagsubo at saka siya tinignan ng masama. Yan na naman tayo sa thirteen guys na 'yan. "Bakit ang dami naman masyado ng thirteen guys?"

"Choice mo raw yun eh."

Napanganga ako. Tumaas pa ang dalawang kilay ko. "Choice ko? Ni hindi ko nga alam ang tungkol dyan."

"Tinanong ka raw ni Wayne noon kung anong favorite number mo. Then, you answered thirteen." At nakatanggap na naman ako ng hampas. Mukhang kinikilig talaga siya. "Emeghed, Chels! Buti hindi thirty ang sinabi mo kundi thirty guys din ang ide-date mo. Kaloka!"

Nalukot nalang tuloy ang mukha ko. Napailing nalang ako ng ulo sabay subo sa pagkain ko. Kaya pala nagtanong siya ng favorite number ko. "Ayoko. Hindi ako makikipagblind date sa hindi ko kilala."

"Shunga. Kaya nga blind date e. Ibig sabihin, makikipagdate ka sa hindi mo kilala."

"Exactly my point!" Ano ba 'yan. Nagiging mataray na tuloy ako. Nakakafrustrate kasi. "Hindi ko kilala yung ide-date ko. Paano kung mag-take advantage sila sa akin? Not that I'm assuming pero babae pa rin ako."

Tumawa siya, yung tawang nakakaloko. Bagay nga silang magsama ni Wayne. Nagkakasundo sa mga ganitong klaseng kalokohan. "My, my, my Chelsea Yuan. Hindi naman tanga si Wayne para ipaubaya ang step sister niya sa hindi katiwa-tiwala. Gaya nga ng sabi niya, kilala niya ang mga iyon," at humagikhik pa, "Oh my ghad, Chels. Kapag gwapo yata, gwapo rin ang mga kaibigan."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon