[56] Guilty

80K 2.6K 589
                                    

[56] Guilty

Chelsea's POV

"Siya ba 'yung boyfriend mo?"

Parang may dumaan na anghel dahil bigla nalang natahimik sa apat na sulok ng dining room. Si Mama, nakangiti lang sa akin na para bang hoping I would say yes habang si Wayne naman ay nakatingin sa akin ng nakakunot noo like he's telling me to say 'hell no!'.

Napalunok nalang tuloy ako at napangiwi. "Uh, Ma." Tumayo ako at nilapitan si Jake na walang kaalam-alam sa nangyayari. "Hindi ko po boyfriend si Jake. Kaibigan ko po siya." Then, I turned to Jake with a forced smile. "'Di ba, Jake?"

"Oo naman."

Lumaki ang ngiti sa labi ko sa isinagot niya. I even saw Wayne sighed in relief. Naku, kailangan naming mag-usap mamaya ng boyfriend ko. For sure, hindi niya nagustuhan ang nangyayari.

"See, Ma? We're just friends." I reassured her and she smiled with a glint of disappointment in her eyes. Napanguso nalang tuloy ako.

"We're friends and we're dating, actually..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jake. Ipinatong niya pa ang kanyang palad sa ulo ko kaya tiningala ko siya. I swear, I didn't like that mischievous smile written on his face.

"That's good to know!" Mom exclaimed with now a big smile on her face. Sinulyapan ko si Wayne at ang kaninang madaldal niyang sarili ay bigla nalang natahimik. I felt so guilty. Geez!

Tumayo si Mama at nilapitan si Jake. Mom even took a hold of my arm and stared at my eyes. "I'm so happy, Chels. I hope you get along well. Jake seems to be a nice guy..." Mas lalo lang tuloy akong na-guilty nang makita ang saya sa mga mata ni Mama.

Jake chuckled in embarrassment. "Hindi naman po, Tita. Mas mabait pa rin naman si Wayne," Jake pointed out and my boyfriend was stopped from drinking onto his cup of coffee. "'Di ba, dude?"

Napilitang tumango lang ito at nagpatuloy lang sa pagkain. "'Ge lang, Jake." he murmured, not showing any interest.

"Mabait naman talaga si Wayne." Lumapit si Mama sa likod ng upuan ni Wayne at hinaplos ito sa likod. Para tuloy hindi ako makatingin. Naguguilty ako. "Kaya no wonder na may girlfriend siya."

"May girlfriend ka na, dude?" Bakas sa boses ni Jake ang pagkagulat. Gusto ko na tuloy siyang hilain sa labas para matigil na ang usapang ito. This talk won't seem good anymore.

"Hmm."

"Sino? Pakilala mo naman sa amin."

Lumingon lang si Wayne kay Jake... sabay sulyap sa akin at mabilis na ibinalik muli ang mga mata kay Jake.

"'Wag na. Baka agawin mo e," he answered sarcastically. At ako naman itong nagdadasal-dasal sa loob ko na sana ay hindi iyon magets ni Jake. Dahil dun ay tinaasan ko ng kilay si Wayne. Makuha ka sa tingin... "Joke lang, dude," he said with a smug.

Natawa lang si Mama sa sinabi ni Wayne. Actually, siya lang ang natawa sa aming lahat. Si Jake kasi ay ngumisi lang na parang aso, nang-aasar yata imbes na maasar sa joke kuno ni Wayne.

"Kayo talaga," sabi ni Mama na pailing-iling pa ng ulo. "But I'm also curious about your girlfriend, Wayne. Why don't you introduce her to us? Dinner tayo kasama ng girlfriend mo—" at bumaling naman sa akin si Mama. "– and Chelsea with Jake. Sounds good, right?"

Nalukot ang mukha ko sa suggestion ni Mama. That really doesn't sound good. Paano naman si Wayne? Ako ang girlfriend niya pero hindi pwedeng ipakilala niya ako sa parents namin bilang girlfriends since we're step siblings. At isa pa, hindi naman kami ni Jake. Okay, medyo minor case pa yung dating pero 'di ba next level na yung meet the parents kapag official na ang dalawa? And we're not officially in a relationship for whoever's sake. Sumasakit tuloy ang ulo ko!

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon