[62] Point For Me

69.4K 2.3K 388
                                    

[62] Point For Me

Metch's POV

Hindi lang ako sa campus hinatid ni Sheen kundi pati hanggang classroom ko. Napaka-persistent niya ngayon. Sa katunayan, sabi niya ay gusto niya raw na sabay kaming mag-lunch. Aba, bahala siya. Hindi kaya magsawa siya sa pagmumukha ko? Lagi nalang kaming magkasama these past few days e. Siguro ituturn down ko nalang siya today. For sure kasi na kapag kasabay ko siyang maglunch ay siya na rin ang maghatid sa akin sa bahay. Sasabay nalang ako kay Chelsea na kumain mamaya.

Speaking of Chelsea. . . for the nth time of this entire class ay napapasulyap ako sa pwesto niya pati na rin sa pinto. Mag iisang oras na nang magsimula ang klase pero hindi pa rin siya dumadating. Nasaan na kaya ang babaeng 'yon?

Pasimple kong nilabas ang phone ko para i-text siya. Usually, kapag mag-aabsent siya ay nagtetext siya agad sa akin. Nakakapagtaka tuloy.

To: Chelsea Y.

Psst! Absent ka?

It took a few minutes bago siya nakapagreply sa akin.

From: Chelsea Y.

Oo, nasa ospital kami ni Wayne e. Nagquiz ba o recitation?

Kumunot ang noo ko pagkabasa sa reply niya. OMG. Sinong naospital? Naaksidente ba sila ni Wayne? Tsk. Naupo ako ng tuwid at pakunwa'y nakinig saglit sa discussion. Mayamaya pa ay sumimple na naman ako ng pagreply.

To: Chelsea Y.

Wla, nagdidiscuss lang si Ma'am. Anyare? Bajt ka nasa osptal?

Grr. Na-typo pa. Hirap magtext ng patago! Muli na namang nagvibrate ang phone ko indikasyon na nakatanggap ako ulit ng text. I was expecting na si Chelsea ang nagtext pero si Wayne pala.

From: Wayne M.

Punta ka dito sa St. Lukes. Naka-confine si Uno.

Napasinghap nalang ako sa nabasa. Napalakas pa nga yata ang pagsinghap ko dahil napatingin sa akin ang katabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at muling binasa ang text ni Wayne. Hala, anong nangyari kay Uno???


PAGKATAPOS ng klase ay dumiretso na ako kaagad sa St. Lukes. Nag-taxi na ako dahil kung magcocommute pa ako ay baka abutin ako ng siyam siyam sa EDSA. It took me 40 minutes to arrive at the hospital, kaso nang makarating ako sa information desk ay natigilan ako. Argh! Hindi ko alam ang hospital room ni Uno. Nahihiya naman akong magtanong sa information desk, baka isipin pa nila ay outsider ako.

Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Chelsea. Buti nalang ay sinagot niya agad ito.

"Chels!" bungad ko, wala nang hi o hello. Natataranta na ako. "Nandito na ako sa lobby ng ospital. Anong floor ng kwarto ni Uno? Room number?"

"4th floor, Metch. Sumakay ka sa right side na lift. Then, pagdating mo sa 4th floor, diretsuhin mo lang yung kaharap na hallway. #104 ang room number ni Uno."

I nodded my head instinctively as I headed quickly to the lift. "Sige, papunta na ako," sabi ko bago binaba ang tawag.

Nang marating ko ang 4th floor ay malalaking hakbang na ang ginawa ko para mahanap agad ang #104.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon