[76] Officially

72.1K 2.3K 1.2K
                                    


[76] Officially

Metch's POV

For the nth time ay sumulyap na naman ako kay Mama. Tinatancha ko kasi kung maganda ba ang mood niya ngayong araw. Baka kasi masampal niya ako nang wala sa oras kapag sumadya mamaya si Sheen dito para hingiin ang kamay ko sa kanya. Wait, hingiin ang kamay? Ang exaggerated naman non. Medyo may lalabagin lang naman akong rule kasama si Sheen. Nangako pa naman ako kay Mama na hanggang ligaw lang muna ngayon at saka na ang magboyfriend kapag mamartsa na ako sa March. Huhu. Ang problema, hindi ko na matiis si Sheen, e. Gusto ko na siyang sagutin!

Ang tagal naman kasing mag-March. November na kaya ngayon. Apat na buwan pa pero tila mabagal ang usad ng araw.

"Metch, pakikuha nga 'yung sibuyas," ani Mama.

Tumayo ako at kinuha mula sa cupboard ang sibuyas at inabot iyon sa kanya... nang nakangiti. Dapat magpaka-good girl ako ngayon.

"Ma, ang sarap mo talagang magluto."

Proud na ngumiti si Mama sa sinabi ko. Medyo maalat nga lang minsan ang timpla pero tolerable naman ang luto ni Mama.

"Of course. Ako pa?"

Ngumiti lang ako kay Mama at pinanuod nalang siya sa ginagawa niyang paghiwa ng mga sangkap sa mesa. Biglang tumunog ang phone ko. Biglang sumipa ang kaba sa dibdib ko nang makitang si Sheen ang nagtext.

From: Sheen

Ano? Pupunta na ba ako dyan? Naiinip na ako dito sa bahay.

Sumimangot ako sa nabasa. Ang excited naman ng isang 'to. Kung ako nga ay kinakabahan dito, siya naman 'tong nasasabik pa. Naku! Goodluck talaga.

"Ma, aakyat po muna ako sa taas..." At nang makausap ang makulit na nilalang na 'to.

Tumango lang si Mama kaya mabilis akong pumanhik sa kwarto ko. Pag-upo ko palang sa kama ay tinawagan ko na siya.

"Ano, Metch? Pupunta na kasi ako..."

Kusang tumaas ang kilay ko. "Ba't ang excited mo? Baka nakakalimutan mo, nanay ko ang kakausapin mo. Mabunganga 'yon!"

Humalakhak lang siya. "Syempre, excited na akong maging tayo. Mas mabuti nang sabihin na natin."

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Same feels, dude. Same feels...

"E kung isikreto nalang kaya muna natin? Apat na buwan nalang naman ang hihintayin."

"Tsk. Ano tayo high school na nagtatago ng relasyon sa magulang?" Huminga siya ng malalim bago tinuloy ang sasabihin. "C'mon, huwag ka ngang kabahan. Sabay naman tayong magsasabi, e."

Yun na nga, e. Baka kurutin ako sa singit ni Mama dahil hindi ako nakatiis. Huhu.

"Hindi mo kasi kilala si Mama, Sheen."

"Nasa labas na ako ng bahay ninyo."

Napasinghap ako ng malakas. Mabilis akong tumakbo papunta sa terrace. At ayun, nakita ko kaagad si Sheen na may dalang box of cake sa kalsada at kumakaway pa.

"Sheen, saan mo hinuhugot ang lakas ng loob mo?!" Nagawa niya pa kasing ngumiti. Parang hindi kinakabahan.

Natawa lang siya. "Dali na. Magdodoor bell na ba ako?"

"Mamaya na. Give me thirty minutes."

"Tagal naman nu'n." Bumuga siya sa hangin, halatang naiinip na talaga.

"Hintayin muna nating makatapos si Mama sa pagluluto. Hello! May hawak siyang kutsilyo ngayon. Baka magdilim ang paningin sayo sa sasabihin mo. Ayokong dumanak ng dugo dito. Sige ka!"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon