[11] Sunset

107K 3.1K 308
                                    

[11] Sunset


Chelsea's POV

Dapat na ba akong kabahan? Oh well, sa tingin ko ay hindi, pero syempre nacucurious ako kung bakit nirecord ni Wayne ang sagot ko sa tanong niyang 'ano ang ideal guy' ko. Napaka-random naman kasi, at besides, nung isang araw pa siyang ganyan. Tinanong niya ang favorite number ko tapos ngayon naman ay tungkol sa ideal man ko. Wala akong ka-clue clue.

Quarter to 4PM na at medyo ginutom kami sa byahe kaya naisipan naming dumaan muna sa gasoline station na may convenience store along the way. Si Sheen ang nag-order para sa aming dalawa ni Metch ng donuts at soda.

"Nasaan si Wayne, Chels?" tanong sa akin ni Metch pagkaupo niya sa tabi ko. Pinapagitnaan namin siya ni Sheen sa stools.

Napatingin ako sa glasswall sa labas. Ayun si Wayne, may kausap sa phone. Kanina pa siya actually busy sa cellphone niya sa byahe. Sino kaya yung kinakausap niya? Hindi kaya girlfriend niya? Alam kong ilang beses na siyang nagsasabi sa akin na wala siyang girlfriend pero malay ba natin na may tinatago o may bago na siyang girlfriend? Hmmm...

"Busy sa phone niya e," sabi ko nalang.

"May girlfriend ba si Wayne?" tanong ni Sheen kaya napatingin din sa akin si Metch.

Nagkibit-balikat ako at sumipsip na sa straw ng soda ko. "Ewan ko. Malay ko. Siguro?"

Ngumisi lang si Sheen tapos natawa ng bahagya. "Bakit ba siya sumama sa atin? Tayo-tayo lang kasi dapat."

Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang tono ng pananalita ni Sheen kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ba siya pwedeng sumama sa atin? Step-brother ko siya. Friend na rin—"

Sumabat si Sheen. "At ex?" Natahimik tuloy ako. Nanlaki ang mga mata ni Metch tapos nagpalipat-lipat siya ng tingin sa aming dalawa ni Sheen.

"Seryoso? Ex mo siya? Hindi ko alam!"

Pinag-ikutan ko nalang siya ng mata na para bang isang kalokohan ang sinabi niya. "Hindi ah. Hindi naging kami. Pwede ba..."

"Pero nag-date kayo noon. Months din ang tinagal. Considered na ring parang may relasyon kayo noon dahil may mutual understanding kayo," hirit pa ni Sheen kaya mas lalong tumalas ang tingin ko sa kanya. Nag-iinit tuloy ang buong mukha ko sa pinagsasasabi niya. Grr! "Tsk. Tsk. Tsk. Ex mo ang step brother mo?"

"Wait. Wait. OP ako," naguguluhang sabi ni Metch tapos hinarap niya ako at pinagtaasan ng kilay. "What are you guys talking about? Naging kayo ni Wayne nang hindi ko nalalaman?"

Hindi ako nakasagot agad pero mabilis kong iniling ang ulo ko para humindi. "Hindi naging kami ni Wayne. Oo, nag-date kami pero naudlot din yun."

"Dahil?" tanong ni Metch.

"Dahil..." Bakit nga ba? Napahinto tuloy ako saglit. "Because we realized that we are better off as friends than lovers."

Pinakatitigan tuloy ako ni Metch dahil sa sagot ko. Maging si Sheen ay nakatitig lang din sa akin habang may pilyong ngiti sa labi niya. "Sure? Hindi naging kayo?" tanong ni Metch.

"Hindi ako naniniwala."

I swear, gusto ko nang batukan si Sheen para mabilaukan siya sa iniinom niya. Yan ba ang epekto ng donut sa kanya? Jusme. Kailan pa naging big deal para sa kanya ang tungkol sa lovelife ko?

"Hindi nga. Naging busy din kasi kami sa studies namin," sabi ko bago kumagat sa Bavarian donut ko. "And please, tama na sa topic na 'yan. Baka marinig ni Wayne, kung ano pang isipin nun."

For some reason, nagkatinginan sina Metch at Sheen. Pero itong si Metch ang unang nag-iwas ng tingin. Magsasalita pa sana ako pero naunahan ako ni Metch.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon