[48] Service

85.1K 2.7K 390
                                    

[48] Service

Wayne's POV

Ano 'to? Nagkasundo sila ni Jake? Eh yung mokong na yun mapili pagdating sa mga babae. Kaya nga bihira magka-girlfriend e. Tsk tsk. Hindi tuloy ako makapaniwala. Para namang ang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang nung humingi ako ng tulong sa kanya para sa pag-set up ng 13 guys na mai-de-date kay Chelsea tapos siya itong naging replacement sa hindi sumipot na panglabing-tatlong lalaki sa listahan? Parang hindi naman yata tama 'to.

Hindi tuloy ako mapakali. Pakiramdam ko, pinagtitrip-an lang ni Jake si Chelsea e. Hindi niyo naman ako masisisi na mag-isip ng ganun. Kilala ko na mula pa pagkabata si Jake e. Yung mga tipo nun ay mala-runaway model. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ganun kaganda si Chelsea, ang akin lang, hindi iyon ang tipo ni Jake.

"Anak ng tupa naman kasi! Ba't ayaw mong magreply hinayupak ka," sabay bato ko ng cellphone sa kama. Napansin ko na tila tirik na ang araw sa labas. Medyo mainit na e. Pagtingin ko sa wallclock, 9:15 na pala.

Nakabihis na ako ng school uniform at handa na pumasok. Si Chelsea kaya, gising na? Ang alam ko, 10am ang pasok nun e. 'Wag na kayo magtaka. Kabisado ko talaga ang sched niya. Nagkibit-balikat nalang ako bago ko kinuha ang backpack ko na wala namang laman. "Maisabay na nga siya pagpasok," bulong ko sa sarili bago lumabas ng kwarto.

At dahil, katabi lang ng kwarto ko ang kwarto niya ay ilang hakbang lang ay nasa harapan na ako ng doorstep ng kwarto niya. Kakatok na sana ako nang matigilan ako. Narinig ko kasing may taong papunta sa direksyon ko kaya napatingin ako dun at nakita ko yung isa sa mga maids namin.

"Good morning, Sir," bati niya kaya tumango ako. Bababa na sana siya nang tawagin ko siya.

"Ate." Huminto naman siya't niligon ako. Baka kasi, kakatok ako dito, yun pala wala na si Chelsea sa loob. Mas mainam na kung itatanong ko. " Nandito pa ba si Chelsea sa loob?"

She nodded her slightly. "Opo, Sir. Hindi pa lumalabas."

"Ah, sige. Salamat."

Nang makaalis na nang tuluyan yung maid, bumaling ulit ako sa pintuan. Inangat ko ang kamay ko para sana kumatok nang matigilan na naman ako. Langya! Ano bang nangyayari sa akin? Ba't atras-abante ako ngayon? Saglit. Kapag binuksan niya ang pinto, anong sasabihin ko? Ito pa naman ang kauna-unahang beses na kakatukin siya sa kwarto niya para isabay lang siya sa pagpasok. Anak ng... Bahala na nga.

Tumikhim muna ako bago ngumiti. Kunwari, binuksan na niya ang pinto. "Ehem, good morning, Chelsea. Diba 10am ang pasok mo tuwing Monday? Gusto mo isabay na kita?"

Lumunok ako. Siguro iyon nalang. Hindi naman siya matanong e. Tumikhim ulit ako. Okay, Waynepot. Game na. Inangat ko ulit ang kamay ko pagkatapos ay isinara ito bago sana ay kakatok na nang...

"Wayne, anong ginagawa mo dyan?"

Sa bigla ko, ang nakasara kong kamay ay naikamot ko bigla sa batok ko. Pagtingin ko sa nagsalita, linsyak, si Dad pala! "Uy, dad. Ano pong ginagawa mo dito?"

Kumunot ang noo niya. Narealize kong katangahan yung tinanong ko. Teka, relax nga, Wayne! Ba't ka ba biglang nagpanic? Si Daddy lang naman yan. "Ikaw ang tinatanong ko dyan. Anong ginagawa mo dyan sa labas ng kwarto ni Chelsea?"

Napakamot nalang ulit ako. Bakit nga ba? "W-wala. Isasabay ko lang naman po sana siya pagpasok."

Matagal niya akong tinitigan. Isang mapanuring tingin. Mayamaya lang ay napailing nalang siya ng ulo. "'Wag mo siyang katukin. Hintayin mong lumabas ng kusa ang kapatid mo."

Kapatid... Sh1t. Malamang, kapatid ko na nga si Chelsea. Hindi pa ba ako nasanay? Tss.

"Oo nga pala. Nasa baba si Jake."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon