[12] Hashtag RK

98.2K 3K 337
                                    

[12] Hashtag RK


Metch's POV


"... Huwag ka ng mag-deny. Halata naman. Gusto mo bang ilakad kita kay Wayne?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ibinulong niya kaya on impulse ko siyang itinulak ng bonggang bongga. Nasasaktan ang puso ko. Bakit niya ako ilalakad sa taong hindi ko naman gusto? Ganito na ba ang kapalaran ng isang Metch Audrey Flores? Bakit hindi nalang sa kanya? Aba'y tatakbo pa ako. Ajujuju!

De joke.

"Baliw. Wala nga kasi akong gusto sa kanya," tanggi ko with matching simangot pa.

Ngumisi siya habang nakatitig lang sa akin ng nakakaloko. Oohh, I like how he stares at me. Ang gwapo! Kasing gwapo ng future husband ko. OMG. "Sus, Metch. Kanina pa kita napapansin na palagi mong sinasabing ang gwapo ni Wayne, mabait, gentleman, nasa kanya na ang lahat... Blah blah," tapos tumawa siya. "Wala e. Gusto mo talaga siya."

"Asa! Wala akong gusto dun," sabi ko, rolling my eyes para cute. If I know, inaasar niya lang ako para makuha ang atensyon ko. Wahahaha.

"Ilalakad na nga kita sa kanya e."

Eh may pagkabaliw baliw pala ang isang 'to eh. Bakit niya ba ako itinutulak kay Wayne? May saltik ba siya? Pero kahit ganun pa siya, hindi ako natuturn off. Whyyyyy??

"Mas bagay sila ni Chelsea! Don't even dare, Sheen. Sinasabi ko sa'yo, wala akong gusto kay Wayne," sabi ko saka ko finold ang mga braso ko sa dibdib ko. Taas kilay pa! "As in, wala. Wala. Wala!"

"Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!" At humagalpak pa siya ng tawa. Ay jusko po! Parang musika sa tenga ko ang tawa niya. Ang cute cute! Pero...

"Sabi ng wala e. Bahala ka nga dyan!"

Nung tuluyan na akong tumalikod para sana puntahan sina Wayne dun sa pampang, narinig ko pang nagsalita si Sheen. "Uy, si Metch. Nagbablush..."

Asarin daw ba ako sa iba? Ba't hindi nalang sa sarili niya gaya ng ibang lalaki na nababasa ko sa Wattpad? Kakaiba talaga ang lalaking na-crush-an ko. Suskopo. Maka-walkout nga.


Chelsea's POV


"Wayne!" Hinabol ko si Wayne. Medyo pataas yung daan papunta sa bahay kaya mabagal ang usad ko. Grabe, what's with his mood? Kanina lang ang jolly pa niya tapos ngayon daig pa ang menopausal.

"Wayne! Uy, wait lang!"

Sa wakas ay huminto rin siya tapos nakita ko pang gumalaw yung shoulders niya na para bang huminga muna siya ng malalim bago siya humarap sa akin... with the serious look on. Ano bang nangyari? Did I offend him?

"Galit ka ba?" Yun agad ang tinanong ko tapos lumapit na ako sa kanya. Medyo madilim na kaya hindi ko na gaanong maaninag yung mukha niya.

"Hindi. Siguro... gutom lang ako?"

"Gutom? Kakakain lang natin." For some odd reason, napatingin ako sa upper body niya. Ang hilig niyang kumain pero napakaganda naman ng katawan niya. Okaaaay, am I checking him out?

Napakamot siya sa ulo niya. Yung tipong wala na yata siyang maisagot sa akin. "Walaaaa. Namimiss ko lang siguro si Sweetie."

"Sweetie?" Kumunot na ang noo ko. Matagal niya nang binabanggit si Sweetie sa akin pero hindi ko pa rin alam kung sino ba siya. Hindi naman siguro kapatid dahil nakilala ko na ang dalawa niya pang kapatid. "... girlfriend mo?"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon