[69] I Can't Help It

65.3K 2.3K 560
                                    


[69] I Can't Help It

Chelsea's POV

Nagtagal pa kami sa kwarto namin pagkatapos na tanggapin ni Metch ang dalang pagkain ni Sheen. Nalibang na kasi kami sa pagkukwentuhan kasama si Chloe lalo na't parehas silang madaldal ni Metch. We talked a lot of things about their love lives and so on. Buti pa sila, graduate na. Well, darating din ako dyan very soon. Ilang araw nalang. . . 

"Ayos lang ba itong suot ko?"

Nilingon ko si Metch. Sinipat ko ng tingin ang suot niyang knee-length short at shirt na pinatungan ng asul na jacket.

"Ayos. Ang cute ng jacket mo. Saan mo nabili?"

I don't know if it's just me or her cheeks really beet red. "Ah, sa mall lang."

"Girls, tara na," yaya ni Kaye Anne. "Sabay sabay na tayong lumabas. Naghihintay na sila du'n."

We dressed up nicely before we went out of our room. Natagpuan namin ang aming mga kasamahan sa malaking cottage katapat ng wave pool. May nakahilerang mahabang lamesa dun. Hinanap agad ng mga mata ko si Wayne pero hindi ko siya mahanap.

"Boo!"

Napasapo ako sa dibdib ko nang bigla siyang sumulpot sa gilid ko. "Wayne naman!" Tumawa lang siya at hinila ako sa mesa. Naupo ako sa tabi niya.

"Ako ang nag-ihaw nito. Kain ka, Chels..." sabi niya habang nilalapag ang platong may laman ng tatlong chicken thigh.

"Sabay na tayo sa kanila."

Humila ng upuan si Sheen sa tabi ko. Pinaupo niya si Metch. Nagkatinginan kami ni Wayne. Nakapaskil sa kanyang mukha ang salitang 'loser' samantalang nakangiting tagumpay naman ako.

"Babawi ang manok ko," bulong niya sa akin asbay abot ng grilled chicken thigh. "Sa ngayon, kainin mo muna itong manok ko."

Nagsimula ang dinner kasama ang buong barkada ni Sheen. Nakakatuwa lang kasi partner partner sila. Katabi ni Kaye Anne si Nathan, si Chloe ay katabi ni Dustin, si Jenny ay kay Angelo at si Warren ay... isang bakanteng upuan.

"Kawawa naman yung isang tao dyan. Walang kapartner!" parinig ni Sheen na nakaupo sa tabi ni Metch.

"Bakit? Required bang dapat ay may partner na kasama?" sagot nito. Nagtawanan ang lahat sa bitter na tono niya. "Uy! Sige lang. Pagtawanan niyo lang ako."

"No offense kay Dustin," sabi ni Nathan at inakbayan ang sa kaliwa niyang si Warren. "Magmove on ka na raw kasi kay Chloe, dre."

Nalukot ang mukha ni Chloe. Hindi man ako nakaka-relate sa pinag uusapan nila pero hindi ko rin mapigilan ang makitawa lalo na nang lumingkis si Chloe sa kanyang asawa.

"Mhine, o. Si Nathan, dinadamay ang pangalan ng maganda mong asawa. Sapakin mo nga ng isa."

Lumagok lang sa kanyang beer si Dustin sabay sabing, "'Lul, Nathan."

Napuno ng tawanan ang gabi. Target nilang asarin si Dustin. Maging si Wayne ang nakikisali sa kanila. Si Sheen naman ay abala sa pakikipag-usap kay Metch na para bang may sarili silang mundo.

"Tama na nga yan. Iiyak na si Dustpan nyan e." Humagalpak ng tawa si Wayne nang makitang tinapunan lang siya ng malamig na tingin ni Dustin.

Biglang tumunog ang phone ko sa gitna ng kasiyahan. Unregistered number. Hindi ko yun pinansin nung una pero panay ang tawag nito. I leaned forward to Wayne and whispered, "Sasagutin ko lang 'tong tawag." Tumayo na ako at akmang aalis na nang hawakan niya ako sa kamay.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon