[43] Failed

74.5K 2.7K 181
                                    

[43] Failed

Chelsea's POV

"Kailan ka nagsimulang sumayaw?"

Si Ni, who happens to be my 11th blind date is a dancer, a fresh graduate of BS Accountancy in E.H.U. Suishou Empire yung pangalan ng dance troupe nila. Nung una, sabi niya, pangalan daw yun ng tinayo nilang gang noon pero for some private reason that he did not tell me ay nabuwag na raw iyon. Bale yung transition ng grupo nila ay from dance troupe to gang and now back to being dance troupe again... which is hard to believe lalo na't wala sa itsura niya ang pagiging basagulero.

Well, gangsters are known to be troublemakers, aren't they? Or so everyone thought.

"Since childhood. Nung nasa midschool ko nalang ito na-pursue dahil sa mga kaibigan ko," he explained with a smile. Matangkad, maganda rin ang built ng katawan, magaling sumayaw (given nay un dahil dancer siya) at syempre, hindi ko maitatangging boy-next-door ang dating niya. He's really good-looking.

Dito kami sa dance studio niya naisipang gawin yung 'date' namin. For the first time (except sa 4th guy on the list na si Ram) ay hindi na ako sinamahan ni Wayne sa pakikipag-blind date. Based on what he was saying earlier about Ni, mukhang magkakilala na talaga sila. If they're not, then he won't let me stay alone with Ni.

"So, you're 20?" He asked and I just gave him a slight nod. Naka-Indian seat kaming dalawa sa sahig habang napapalibutan kami ng mga salamin. Masasabi kong kakaiba itong date sa lahat ng lalaki sa listahan. I hope it'll work this way.

"At step-brother mo si Wayne?" sabi niya at tuamango ulit ako. "Ayos... Tinutulungan ka ng step-bro mo na maghanap ng date? Cool."

Ngumiti nalang ako ng matipid. Nakatingin siya sa akin na para bang hinihintay kung may sasabihin ako. Wala naman akong dapat isagot dun, eh wala naman siyang question.

"It was cool," basag ko sa katahimikan. I don't want him to find me boring. Nakakahiya naman yun lalo na't magaling siyang makipag-usap. "It's fun. Ngayon ko lang kasi na-experience yung ganito. Mas gugustuhin kong ma-stay nalang sa bahay kaysa ang makipag-date, pero napalitan yung perception ko na yun nang umeksena si Wayne sa buhay ko."

Nagulo kasi ang tahimik kong buhay. Kumbaga, yung Black and White kong buhay ay naging colorful in just a click. Napangiti nalang tuloy ako sa naiisip ko. Seriously, Chelsea?

Nakaramdam ako ng pagkapahiya nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin. There's something about him that makes me feel comfortable. Ang gentle kasi ng bawat tingin niya. He does look like a kid tuwing ngingiti siya. Well, I feel secured so I guess that explains why I feel safe with him.

"Iba yung ngiti mo nang banggitin mo yung pangalan ni Wayne," sabi niya na nagpakaba sa akin. Saglit, bakit naman ako kinakabahan?

Dun na sumibol ang pagkabalisa sa sistema ko. Napaayos tuloy ako ng upo at nagsimula nang makaramdam ng discomfort. "Anong ngiti 'yang sinasabi mo dyan, Ni?" I choked out an awkward laugh.

Mas na-conscious ako lalo nang ngumiti siya ng nakakaloko habang nakaturo sa mukha ko. "Oh, look at your face. Nagba-blush ka. Ayos lang sana kung ako yung involved sa usapan pero si Wayne yun e."

Sinimangutan ko nalang siya ng pabiro. 'Yan na rin yung isa sa dahilan kung ba't kumportable ako sa kanya. He treats me like he has known me for long.

"Hindi 'no. Step-brother ko siya. Nasa iisang pamilya na kami kaya bawal 'yang malisya na yan," depensa ko.

Itinungkod niya ang dalawang palad niya sa sahig sa bandang likuran niya at tumingin sa kawalan, para bang nag-iisip. "Bawal ba yun?"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon