[88.2] Truth

66.9K 2.3K 739
                                    

[88.2] Truth

Chelsea's POV

"Naks, Chelsea. Nakita mo 'yon?"

"Huh?" Tinignan ko ang katabi kong si Kaye Anne. Ngumiti lang naman siya sa naging reaksyon ko.

Kasalukuyan kasi kami ngayong nanunuod ng laro ng volleyball ng X8. Nagkakayaan sila na mag-volleyball kani-kanina lang pagkaalis nina Kurt at Gail papunta sa bayan para raw mamili ng ingredients ng lulutuin mamayang Noche Buena.

Oo, Noche Buena na mamayang gabi. Ang bilis ng araw, 'no? Parang nung isang araw lang ay kakadating ko lang sa islang ito. Time really flies when you're having fun. Ni hindi ko na namalayan na ikatlong araw ko na dito ngayon at ikaapat na araw ko namang kasama si Wayne.

Masaya silang kasama. Actually, mas lalong sumaya nung humabol si Gail nung isang araw. Kung may isang bukod tanging tao ang maicoconsider na pinakamasayang tao sa buong barkada ay hindi maidedeny na si Kurt iyon. Ano kayang meron sa kanila? Nacucurious kasi ako. Medyo naguguluhan lang ako sa status nila dahil nung una, sabi nina Chloe ay wala na raw silang relasyon. Pero kani-kanina lang ay nag-anunsyo naman sina Gail at Kurt na sila na raw.

Kung anuman ang pinagdadaanan nilang dalawa, sana ay malagpasan na nila. They seem to look so perfect together. Katulad lang din ng bagong kasal na sina Nathan at Kaye Anne. Speaking of...

"Yan na naman si Wayne. Nakita mo?" tanong ni Kaye Anne. Mas lalo lang tuloy akong naguluhan sa kanya na mukhang nahalata niya naman dahil lumabi lang siya. "Ano ba yan... Nanunuod ka pero hindi mo napansin?"

"Ang alin ba?"

Narinig ko ang mapang-asar na tawa ni Nathan sa kaliwang tabi niya. Sinamaan niya naman ito ng tingin. "O, bakit ang sama ng tingin mo, Kulet?" painosenteng tanong ng asawa.

"Du'n ka na kasi. Makisali ka nalang sa laro nila."

"Kumpleto na sila. Apatan lang. Si Jake yung referee."

Umirap si Kaye Anne at itinulak siya palayo. "Ang sabihin mo lang, ayaw ka nila isali dahil dehado sila sa height mo!"

"Walang personalan, Kulet."

"Dun ka na kasi, Pandak. Nag-uusap kami ni Chelsea dito, e."

Patawa-tawa namang umalis si Nathan at pumasok nalang sa loob ng bahay. Nandun kasi ang ibang girls, nagluluto para sa lunch namin. Ang cute tuloy nilang tignan. Ganito siguro talaga kapag bagong kasal palang.

Kaye Anne then turned to face me. Ngumiti siya na parang kilig na kilig. "Back to the topic... Halos mabilang ko na ang bawat paglingon sa'yo ni Wayne. Actually, nakaka-twelve na siya— Ooppss, pang thirteen na 'yan..." aniya sabay siko sa akin habang ingunguso ang direksyon ni Wayne.

Pagtingin ko kay Wayne sa gitna ng laro ay nahuli ko nga siyang nakalingon sa akin. Na-tense tuloy ako nang ngumiti siya na halos umabot hanggang mga mata niya.

"Ayieee," pang-aasar sa akin ni Kaye Anne. Sa sobrang pagkailang ay halos maramdaman ko na ang pagwawala ng mga paro-paro sa sikmura ko. "Ang sweet niyong dalawa."

"Huh? Sweet?" medyo windang na tanong ko sa kanya.

Simula nang dumating siya sa isla kasama ng asawa niya, the same night Gail arrived (later though) ay siya ang madalas kong makakwentuhan. Minsan si Chloe at 'yong conyong mag-pinsan at bihira lang si Gail dahil lagi silang magkasama ni Kurt.

Mas lalo niyang nilakasan ang pagsiko niya sa akin. "Oo kaya. If you don't mind, kayo na ba ulit? It's been years nung mawala ka and it's been years nang maging bitter si Wayne dahil nga single..."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon