[80] Siya

73.2K 2.5K 740
                                    

[80] Siya

Chelsea's POV

Kinabukasan, hiyang hiya akong lumabas ng kwarto ko. Hindi ko kasi namalayan na late na pala akong nagising. Masyado akong napuyat kagabi. 10am na tuloy akong napabangon.

Sapo-sapo ko ang ulo ko nung pababa ako sa sala. Sinilip ko pa kung may tao sa living room bukod sa mga maids at nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala—"

"Good morning, Chelsea."

Or not.

Nilingon ko yung bumati sa akin. Ngiting ngiti si Jacob habang bumababa sa hagdanan. Tumigil siya sa gilid ko. "How was your sleep?"

I drew out a breath. "Ayos lang naman. Medyo naninibago pa ako."

Sinabayan niya ako sa pagbaba. Sa itsura ni Jacob, mukhang kanina pa siya nagising. Pormado ang buhok niyang maayos na naka-wax.

"Ganyan din ako nung first day ko dito e."

Nung makarating kami sa dining room ay pinaghila niya ulit ako ng upuan. Aangal sana ako dahil gusto kong ako yung maghanda ng sarili kong pagkain pero automatikong naglabas ng breakfast platter ang mga maids. Just wow. Feeling ko, pang-elitista ang ganitong buhay.

"Kailan ka pa pala dito? Last sem, nakita pa kitang kasama ni Krizelle e. Muntikan mo pa nga akong mabundol," I said like it wasn't a big deal for me.

"Last month pa. Unemployed kasi ako kaya kinuha na ako ni Dad." Mukha naman siyang nahiya sa sinabi ko kanina. "And sorry about what happened last time. Medyo badtrip pa rin kasi talaga sa'yo nu'n but hey, that was just an accident. I didn't intend to do that. Who was the guy who helped you anyway?"

"Si Jake."

"Hmm, Jake?"

"Kabarkada ni Wayne," walang ganang sagot ko at kumuha na ng French bread mula sa platter.

Tumango-tango naman si Jacob sa akin. Siya pa ang nagsalin ng juice sa baso ko. "Oh, okay. I get it. And Wayne is your boyfriend."

Sakto pang kakakagat ko lang ng tinapay kaya kusang bumara iyon sa lalamunan ko. Natataranta siyang inabutan ako ng juice. It took me few minutes to recover from the choke.

"Ayos ka na? Dahan-dahan kasi, Chelsea."

Lumunok ako at napailing nalang ng ulo. Binigla naman niya kasi ako. "Yeah. Oo nga pala, nasaan si Papa?" pag iiba ko ng topic.

"Uh, nandun sa may lupa nung pagtatayuan ng resort. So, anong gusto mong gawin ngayong araw?"

Kumagat ulit ako sa tinapay at nilunok muna iyon bago nagsalita. "Siguro, sa kwarto nalang muna ako. Magbabasa nalang ako ng libro."

"Oh, no. How about visiting the site? Mabuting makita mo ang lugar ng future business natin."

His eyes and smile were hopeful as though it's a sin if I decline his offer. Kunsabagay, kung mag-i-stay ako maghapon sa loob ng kwarto ko ay baka kung ano-ano na namang maiisip ko. Mas lalo lang akong made-depress. I need to have fun.

"Okay."

"Great," he exclaimed with a grin. "Pagkatapos sa site, ipapasyal kita sa iba't ibang lugar dito sa Bohol."

***

"Dito yung future resort natin..." Jacob said proudly.

Nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Walking distance lang yung site ng pagtatayuan ng resort. Tanaw na tanaw ko pa kasi yung bahay mula rito.

Pinanuod ko yung ilang mga tao na naghahakot ng mga materyales marahil para dun sa construction site. Hindi ko maiwasan na humanga sa dagat. Kung dito itatayo ang resort, tingin ko ay papatok dahil ang ganda ng view ng dagat dito.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon