[75] Other Woman

71.7K 2.3K 682
                                    


[75] Other Woman

Chelsea's POV

Muntik na kaming mapa-barangay kung hindi lang pinigilan ni Wayne si Princess. Yes, her name is Princess. Narinig ko lang na tinatawag siya sa pangalang 'yon ng mga tao rito pati na rin ni Wayne.

Ang awkward tuloy ngayon. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan silang apat. Si Metch ang gumagamot sa sugat ni Sheen sa mukha at si Princess naman ay kay Wayne. Gusto ko mang umalis na rito ay hindi ko magawa. Naguguilty din kasi ako sa nangyari at isa pa, nakakahiyang lumabas lalo na't hindi pa rin umaalis ang mga nakikiusyosong tao sa kalsada.

"Ano ba kasing dahilan kung bakit niyo ako sinundan?" iritadong tanong ni Wayne. "A-aray!"

"Sorry, kuya..."

Ngumiwi ako. Isa pa 'yang 'kuya' na tawag niya kay Wayne. Kaano-ano niya ba si Wayne? Ugh, napagkamalan ko pa siyang other woman ni Wayne.

"Sinundan ka namin. Naghihinala kasi si Chelsea na may iba kang—"

"Metch," putol ko sa kanya. Nakakahiya kasi e. Lumipat tuloy ang tingin sa akin ni Wayne kaya yumuko ako.

"May iba akong babae? Chelsea naman..."

Bumuntong hininga ako. Feeling ko, pulampula na ang buong mukha ko sa kahihiyan. "Sorry na. Akala ko kasi e..."

"Wala akong ibang babae."

"Kung ganun, sino yan?" sabat ni Metch kaya siniko agad siya ni Sheen.

Tumikhim si Princess kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Inaayos ayos niya ang suot niyang Mickey Mouse headband. In speaking of Mickey Mouse, aside sa Mickey Mouse ay puro Disney Princesses din ang bumungad sa amin sa pagpasok sa bahay niya.

"Hindi po ako ibang babae ni Kuya Wayne," aniya at bumaling kay Wayne. "Kuya, sabihin mo na kaya sa kanila?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Wayne. Pumikit siya ng mariin at napakamot nalang sa kanyang ulo. He even let out a sigh perhaps in defeat. Bakit mahirap para sa kanya ang sabihin ang tungkol dito? Wala namang masama kung pinsan, kinakapatid o—

"Half-sister ko siya."

Naputol ang agam agam ko sa sinabi niya at napatingin kay Princess. Half-sister? Akala ko ba, wala siyang kapatid na babae? Naguguluhan tuloy ako.

"Kapatid? Paano nangyari 'yon?"

Nagkatinginan muna sina Princess at Wayne. Tumango si Wayne sa kanya bago ito humarap sa amin at bumuntong hininga.

"Iisa lang po ang Papa namin ni Kuya Wayne— si Papa Anton. Yun nga lang, anak po ako sa labas. Namatay naman ang tunay kong Mama pagkapanganak sa akin. May adoptive parents naman po ako kaya hindi ako nakadepende sa mga Madrigal. Although, Madrigal na rin ang apelyido ko. Ngayon lang po ako lumapit kasi gipit kami."

Unti unting nag sink in sa utak ko ang paliwanag niya. Medyo nawiwindang lang ako dahil hindi ko alam na may ibang anak pala si Tito Anton bukod kina Wayne, France at Wesley.

"Kung itatanong niyo po kung paano ko naging papa ang ama ni Kuya Wayne, ganito po kasi 'yon, ang kwento sa akin ng adoptive father ko ay bestfriend niya raw si Papa Anton. Hindi alam ng tunay kong Papa ang gagawin sa akin nang mamatay si Mama pagkapanganak sa akin, kaya inihabilin niya ako kay Papa Tony na tinuturing kong tunay na ama ngayon. Kailan ko lang nalaman na kaya pala hindi ako pinalaki ni Papa sa poder niya ay dahil may iba pala siyang pamilya."

"— at iyon ay kami." Inakbayan ni Wayne si Princess kaya nalipat sa kanya ang tingin namin. "Ganyan din ang reaksyon ko nang malaman kong may anak si Dad sa labas pero eventually, natanggap ko rin naman."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon