[58] Sinungaling

77.7K 2.6K 501
                                    


[58] Sinungaling

Chelsea's POV

I woke up to a crackling sound. I lifted my head while rubbing my eyes, trying to identify it. Medyo nanlalabo pa ang mga mata ko at nakaramdam ako ng pananakit sa aking leeg. Nang medyo luminaw na ang mga mata ko ay du'n ko lang na realize na nakatulog pala akong nakaupo habang nakahilig ang ulo sa study table ni Rance.

Natigilan ako nang bumungad sa paningin ko ang box ng J.Co doughnuts sa ibabaw ng lamesa.

Napansin kong may nakadikit na post it du'n kaya binasa ko iyon. My nose wrinkled upong reading it.


Your request is my command

- Wayne


Parang uminit ang puso ko sa nabasa. Gusto ko sanang ngumiti kaso naalala kong pinaghintay niya ako kagabi sa wala. I placed the post it back on the box and set it aside. Kahit nakaka tempt ng kainin iyon ay pinigilan ko ang sarili ko. Bago ko kainin 'yan ay dapat makausap ko muna si Wayne. Apparently, he went home late.

Tumingin ako sa digital clock. It's past 7 in the morning already. Para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkabigla.

"Sheez!" I hissed as I got up from the chair with a sting feeling on my back. Hindi ko pa tapos ang project ni Rance! 8am pa naman ang pasok niya.

Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Sa pagkakaalala ko ay iniwan ko lang sa sahig ang project ng kapatid ko kagabi ah. Nasaan na 'yon? Ba't nawala?

Biglang lumabas si Rance mula sa bathroom. Mukhang kakatapos lang niyang maligo. "Good morning, ate. Nasaan po yung project ko?" malumanay niyang tanong.

Kabado man ay nagkibit balikat ako. Mas lalo akong nataranta nang makitang umarko ang kanyang dalawang kilay.

"Uh... Saglit lang, Rance."

Panay ang hawi ko sa magulo kong buhok nang lumabas ako sa kwarto. Saan na napunta 'yong project ni Rance? Hindi pa nga 'yon tapos at ngayon ay nawawala pa. Kumikirot tuloy ang sentido ko sa puyat.

Pababa ako ng hagdanan nang makasalubong ko 'yong isa sa mga kasambahay namin. Binati niya ako pero isinawalang bahala ko iyon dahil sa problema ko.

"Ate, nakita niyo po ba 'yong solar system na project ni Rance?" tanong ko. Baka kasi ay pumasok siya sa kwarto at nilabas iyon dahil napagkamalang basura. Shucks! Huwag naman sana. Pinagpuyatan ko 'yon e.

"'Yong mga styro po ba?"

Mabilis akong tumango.

"Ay, parang nakita ko po du'n sa garden. Dinala po ni—"

"Okay. Thanks po!" Kahit nakakapagtaka kung paano napunta du'n ay hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil mabilis na akong bumaba ng hagdanan. I don't have much time for talking!

Pagkarating ko sa garden ay natigilan ako nang maabutan ko si Wayne na abalang ina-assemble ang solar system project ni Rance. Sa katunayan ay mukhang patapos na nga yata ito. Final touches nalang yata ang kailangan. Nanatili lang ako sa doorstep habang pinapanuod siya. He was so serious he didn't notice my presence.

Conscious kong inayos ang sarili ko. Nag init ang buong mukha ko nang ma realize kong hindi pa pala ako naghihilamos o kahit nag mumog man lang.

Saglit. Bakit nga ba ako nacoconscious? Nakalimutan ko yatang nagtatampo ako sa kanya. Kumunot ang noo ko habang inaalala ang nangyari kagabi. Nangako siyang uuwi bago mag 9pm pero nakatulog nalang ako ay wala pa rin siya. I wonder what time he arrived home last night?

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon