[27] Ako. Ikaw. Tayo.

80.4K 2.6K 343
                                    

[27] Ako. Ikaw. Tayo.


Metch's POV


"Haaayyyyy!!" Ang OA ng hikab ko. Ayaw ko pa sanang bumangon kaso kailangan na e. Kumukulo na rin naman ang tiyan ko kaya kailangan na talagang bumangon at kumain. Dumiretso muna ako sa bathroom at nag-ayos ng sarili. Paglabas ko ng bathroom, saktong may kumatok sa pinto.

Si Chelsea siguro. Wala na kasi siya nung gumising ako kanina. Hindi na siguro ako nahintay, gutom na rin siguro.

"Wait lang!" Bina-brush ko ang buhok ko nang pagbuksan ko siya sabay talikod at dumiretso sa kama. "Nakakain ka na?" tanong ko.

"Hindi pa."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong boses. Hindi naman ako shunga para isipin na naging lalaki ang boses ni Chelsea. Omo! Ang laki ng boses e!!

Nilingon ko siya. Of all people on earth, si Wayne pa! Si Wayne na sobrang wasted kagabi at nahalikan pa ako dahil napagkamalan akong si Chelsea. Teka, kalma lang, Metch. Hingang malalim.

"Good morning?" Nakangiting bati niya sa akin sabay smile ng alanganin. "Sabay na tayong kumain?"

Nilapitan ko siya at itinulak palabas. "Ewan ko sa'yo. Umalis ka nga dito sa kwarto namin."

"O-oy, bakit?"

"May kasalanan ka sa akin!"

Hinuli niya ang dalawang kamay ko saka niya ako tinignan ng buong pagtataka. Inosente pa ang loko! Edi wow. "Anong kasalanan ko sa'yo?"

"Hindi mo matandaan?!"

Umiling siya. Aba, clueless nga ang drama niya. Binuksan ko ang pinto at sinenyasan siya na lumabas na. Hindi ko talaga maatim na harapin si Wayne today. Jusko, naaalala ko lang yung ginawa niya sa akin last night e.

"Lumabas ka nga muna, Wayne. Nanggigigil ako sa'yo. Sarap mong... grr!" Nagngingitngit na sabi ko.

"Ano nga kasing ginawa ko? Pesteng Grappa yan. Wala akong maalala na kahit ano kagabi."

"Whatever you say. Basta, alis muna."

Sumeryoso na ang mukha niya. Nagpamulsa pa siya habang nakatingin sa akin ng tagus-tagusan. "Ipaalala mo kasi, Metch. First time lang mangyari 'to. Wala akong maalala pagkatapos kong uminom. Lintik kasi na alak 'yon, mataas siguro ang alcohol content."

"Alalahanin mo pa!"

Tumingin siya sa kisame at mukhang nag-isip nga, pero mayamaya lang ay napakamot siya sa ulo niya. "Wala akong maalala bukod sa parteng magkasama kami ni Chelsea. Ininom ko ang lahat ng alak niya. Yun na yon. Teka, nandun ka rin ba nun?"

Nanggigigil talaga ako sa kanya, promise. Gusto ko na siyang suntukin dahil naka-ready naman na ang mga nakayukom kong palad sa gilid ko. "Na-lasing ka ng sobra!"

"Alam ko."

"Tinulungan ka ni Chelsea na ihatid sa kwarto mo."

He grinned and looked to me in disbelief. "Ows?"

"Yun nga lang, hindi niya kinaya 'yang bigat mo. Bumagsak kayo sa buhanginan at—"

Humagalpak siya ng tawa. "At nagpagulong-gulong sa beach? Laftrip 'yang imahinasyon mo ah. Pang-Star Cinema!"

Hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Lumabas ka nalang kung ayaw mong makinig!"

"Hindi na po," natatawang sagot niya. Sinimangutan ko siya kasi patawa-tawa pa rin siya.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon