[36] 2 Years

85.1K 2.9K 344
                                    

[36] 2 Years


Metch's POV


"Metch, si Warren nga pala. Warren, si Metch."

"Hi, Mitch."

"Metch. Hindi Mitch."

"Ay, haha! Pasensya na."


Sa totoo lang, gusto kong batukan si Sheen dahil sa paraan ng tingin niya sa akin. He was as if telling me 'sige, taray pa'. Naku, pinipigilan ko nga ang sarili ko na tumingin sa kanya at dito sa kabigan nalang niyang si Warren ko ibinibigay ang atensyon ko.

"So, paano na, dre. Hatid na natin siya?" sabi ni Warren kay Sheen. At dahil nga umiiwas ako na mas mainis pa lalo kay Sheen ay tumalikod nalang ako sa kanya at kunwaring tumingin nalang sa kalsada.

Nakakahiya talaga ang nangyari ngayon. Buset na Tyler yan! Ang sarap gilitan ng daliri! Nang dahil sa kanya, nagtagpo na naman ang landas naming ng kumag na 'to.

"Ah, ganun ba?" Narinig kong sabi ni Warren kaya nilingon ko sila. "Ingat kayo. Bye, Mi--"

"It's Metch." Kulit ng lahi ng isang 'to. Alam kong wala siyang kinalaman sa inis ko kay Sheen pero kasi naiirita din ako sa kanya. Kundi dahil sa kanya, hindi ko maooverheard yung... ugh, 'di bale na nga.

Nabigla ako nang hawakan ako ni Sheen sa kamay at hinila papasok sa passenger's seat. Syempre wala akong nagawa. May guts pa ba akong makipagtarayan sa kanya, eh dahil nga sa katarayan ko kaya ako napahamak.

Ang epic talaga ng araw na 'to!

Nang makasakay na si Sheen sa driver's seat at sinimulan ng i-start ang kotse, dun na ako nagtaka kasi hindi sumakay si Warren. Nilingon ko ang pwesto namin kanina pero wala na siya dun. "Nasaan na si Warren?" tanong ko.

"Umuwi na."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at nagsimula nang magpanic nang paandarin niya na ang kotse. "Ay, ba't 'di natin siya isabay?! Ang sama nito."

"Hayaan mo siya."

Nagsimula nang umandar yung kotse at nakita ko pa nang dumungaw ako sa bintana na madadaanan namin si Warren na naglalakad. "Ihinto mo, Sheen!" sabi ko at pinindot ang button sa gilid ko para buksan ang bintana. "Warren, sakay na--- ay! Sheen, ano ba!"

Nilagpas niya ba naman ng tuluyan kay Warren kaya ngayon ay nasa highway na kami. Sinamaan ko siya ng tingin. Anong klaseng kaibigan ba siya? Simpleng makiki-hitch lang, hindi pa pinagbigyan si Warren.

"Ang sama ng tingin mo dyan?" nakangising sabi ni Sheen sa akin kaya inikutan ko lang siya ng mga mata.

Kung ganito siya kasama na kaibigan, malamang hindi rin siya magiging mabuting boyfriend. Sabi kasi ni Papa noon, nung buhay pa siya, dun ko raw i-base ang lalaki kung magiging mabuting boyfriend ba raw siya--- sa kung paano niya itrato ang mga kaibigan niya.

Oh, well. Ba't ko nga pala in-apply yun sa kanya? E hindi naman boyfriend material 'tong sira-ulong 'to. Tch.

"Kamusta ang araw mo, Metch?" tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot. Kapag sinagot mo ng isa yan, dadagdagan niya naman ng tanong. Makukulitan lang ako lalo.

"Ah, ganun? Ikaw kasi e, ang taray mo. Napagtripan ka tuloy."

Sinamaan ko na siya ng tingin. Walangya 'to! Hindi naman ako nagsasalita dito. "Nababaliw ka na ba, Sheen?"

Natawa nalang siya. "Eh hindi mo naman kasi ako sinasagot. Bati na kasi tayo?"

May gana pa talagang magpa-cute. "Mukha mo."

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon