Chapter 17

840K 9.6K 264
                                    

Chapter 17


—After One Week


[Vianca's POV]


Naiinis na inabot ko ang istorbong alarm clock sa ibabaw ng mesa. Kasi naman, inaantok pa ako. Tinatamad pa akong bumangon.


Isinubsob ko ulit ang ulo ko sa unan. Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko pang matulog. 


Ngunit agad akong napabalikwas nang maalala ko kung anong petsa na. Ngayon lang naman ang unang araw ko sa trabaho!


Nagmamadali na akong naligo at naghanda ng mga gamit na dadalhin ko.


"Vianca, mag-almusal ka muna," sabi ni Manang Flor nang makasalubong ko siya sa may sala.


"Wag na po, Manang. Sa school na lang ako kakain mamaya."


"Sige, ikaw ang bahala. Baka nga naman mahuli ka. Oh, nariyan na pala si Mitsui. Tamang-tama, baka pwede kang makisabay sa kanya? Parehas lang naman ang pupuntahan n'yo," pabulong nitong suhestiyon sa akin. Itinuro nito si Mitsui na kasalukuyang pababa na sa hagdan.


Nagkataon namang nakatayo ako sa may pintuan nang madaanan niya ako.


"I made it clear. Don't act like you know me in front of other people. I don't want them to see something suspicious about us," seryosong pahayag niya, sabay alis sa harap ko.


Tsk! Bakit may sinabi ba akong gusto kong makisakay sa kotse niya? Magta-taxi na lang ako.



***

Buti na lang at kaskasero si Manong driver, kaya mabilis akong nakarating sa Yale.


Kinabahan ako do'n. Akala ko first day of work, male-late agad ako. Siguradong sermon ang aabutin ko kapag nangyari 'yon.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Miss, bawal ang naka-civilian dito." Hinarang ako ng lady guard sa may entrance ng building. "Bakit hindi ka nakasuot ng uniform? At wala ka pang dalang ID. Kayo talagang mga estudyante, ang titigas ng ulo n'yo."

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon