Chapter 50

836K 11.7K 2.7K
                                    

Chapter 50


[3rd Person POV]


"Good morning, Manang!" masayang bati ni Mitsui kay Manang Flor nang madatnan niya ito sa dining room.


Nasa bahay siya ng mommy niya kung saan pansamantala siyang tumitira matapos umuwi galing Amerika.


"Oh, hijo, maupo ka na rito at nang makapag-almusal ka na," sagot naman ni Manang. Kitang-kita na ang mapuputing buhok ng matanda, hindi gaya noong limang taon na ang nakakaraan. Simula noon, dito na rin ito nanilbihan kay Ma'am Angela.


"May lakad ba si Mommy ngayon?" tanong niya. Umupo na siya at inilagay naman ni Manang ang tinimpla nitong kape sa harap niya.


"Oo. Pinalinis niya 'yong kotse kay Lino kanina."


Nagkakape si Mitsui nang dumating si Ma'am Angela.


"Hi, Ma!" Agad niyang nilapitan ang mommy niya sabay halik sa pisngi nito. Hanggang ngayon, napakasopistikada pa rin nitong tingnan.


"You seem very well-prepared and ready. That's good," puna ni Ma'am Angela sa anak. Ang tinutukoy nito ay ang paggising niya nang maaga para maghanda sa unang araw niya sa trabaho.


Isang linggo na mula nang dumating siya galing US, at ngayon ang kauna-unahang pag-report niya sa main office nila sa Makati.


Simula sa araw na 'to, si Mitsui na ang magiging bagong CEO ng kumpanyang ang ama niya mismo ang nagpundar at nagpalago.


Wala na siyang pagkakataong pumetiks-petiks ngayong nakabalik na siya ng bansa. Kailangang siya na mismo ang magmana sa pagpapatakbo ng business na pinaglaanan ng dugo at pawis ng daddy niya.


Apat na taon na ang nakakaraan nang mamatay ang dad niya. Hiniling sana noon ng mga business partners ni Sir Javier na si Mitsui na agad ang pumalit dito. Ngunit batid niyang kulang pa talaga ang kaalaman niya sa negosyo.


Duda siya sa sarili niyang kakayahan. Idagdag pa ang napakadaming alaalang gusto na lang sana niyang kalimutan sa mga panahong 'yon. Dahil doon ay minabuti niyang mag-aral ng master's degree in business management sa isang sikat na university sa US upang makapag-umpisa na rin ng panibagong buhay.



***

Pagpasok pa lang sa entrance ng malaking building na pagmamay-ari ng pamilya nila ay kaagad na napalingon kay Mitsui ang mga empleyadong naroon.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon