Chapter 27

869K 12.3K 1.4K
                                    

Chapter 27


[Vianca's POV]


Ikalawang araw na ng executive summit ng mga kasama kong estudyante. Naglalakad ako papunta sa convention center nang may nakasalubong akong isang pamilyar na lalaki.


'Di mapigilang bumilis ang pintig ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa.


Jusko! Siya yung ultimate crush ko noong nasa first year college pa lang kami. Si Lance Buenconsejo.


Natatandaan niya pa kaya ako? Malamang hindi na, kaya mas mabuting umiwas na lang.


Nagbaba agad ako ng tingin at ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata ko. Ngunit hindi ko inaasahan na nang malapit na kami sa isa't isa ay narinig ko siyang biglang nagsalita.


"Are you Vianca Hernaez?" Nagtatanong siya sa akin, kaya 'di maaaring hindi ulit ako tumingin sa kanya.


"Uhmm..." Tumango ako bilang pagkumpirma na ako nga iyon. Naaalala niya pa rin pala ako!


"You are. I kept wondering if it was you. I saw you yesterday at the convention, but I was hesitant to approach you," masaya niyang sabi.


"Talaga? Um-attend ka din ng executive summit?" hindi makapaniwalang tanong ko naman. Bakit hindi ko man lang napansing nandito rin pala siya?


"Yes. As a matter of fact, ako ang magiging resource speaker nila mamaya." Ngumiti siya sa akin.


My God! Ang ngiting 'yon!


Natatandaan ko pa noong nasa college pa lang kami. Kung paano akong nauutal tuwing recitation, kasi nakikita ko siyang nakatingin sa 'kin. Kung paano niya ako madalas nahuhuling sumusulyap sa kanya, pero sa halip na magalit ay ngingitian niya pa ako nang ganito. At kung gaano ako labis na nalungkot noong nalaman kong bigla na lang siyang nag-transfer sa Maynila.


Tapos ngayon, makalipas ng ilang taon, by coincidence ay nagkita kami ulit dito sa Cebu.


Lord, ito na ba ang tinatawag nilang destiny?


"Let's sit down over there." Napukaw ang atensyon ko nang muli siyang nagsalita. Itinuro niya sa akin ang isang bakanteng upuan na malapit sa kinatatayuan namin.


"Ha? S-sige..." Nakakahiya, nauubusan ako ng sasabihin. Nahalata kaya niyang natutulala ako habang kaharap ko siya?


Nauna na siyang naglakad patungo sa lugar na tinutukoy niya, kaya sumunod na rin ako.


Medyo matagal din ang naging pag-uusap naming dalawa. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa kanya-kanyang buhay namin after college graduation. Kinumusta niya ang mga dati naming kaeskuwela, kung ano nang balita sa kanila.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon