Chapter 21

851K 10.6K 931
                                    

Chapter 21


[Vianca's POV]


Nang sumunod na araw, maaga ulit akong pumasok dahil may scheduled examination ako sa klase ni Mitsui.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Habang naglalakad ako sa may school grounds ay biglang umihip ang malakas na hangin, dahilan upang liparin ang ilang piraso ng test papers na nakaipit sa dala kong libro.


Isa-isa kong pinulot ang mga ito. Ilalagay ko na lang sana ang mga papel sa envelope na bitbit ko. Pero nahirapan akong maisilid sa loob, kaya umupo muna ako saglit sa bench na nasa gilid ng daan.


Pagkaayos ko ng mga nilipad na papel ay tumayo na ako. Subalit laking inis ko nang mapansin kong may nakadikit na chewing gum sa laylayan ng skirt ko.


"Aish! Ano ba naman 'to? Pangmayamang eskuwelahan, pero dugyot ang mga nag-aaral," pagmamaktol ko habang sinusubukang tanggalin ang gum na kung saan-saan lang nila itinapon.


"Bes, anong ginagawa mo diyan?" Si Ashley pala. Nadaanan niya akong nagkukuskos.


Ipinakita ko sa kanya ang skirt kong nadumihan ng chewing gum. "Kasi naman! Tingnan mo, oh!"


Natawa pa siya nang makita ang kalagayan ko. "Wala ka bang dalang extrang damit?" tanong niya.


"Wala, eh. Hindi ko naman kasi inaasahan na mangyayari ang ganito."


"Dapat sa susunod magdala ka na," paalala niya. "Halika, sumama ka na lang sa 'kin sa faculty room namin. May extra akong skirt. Papahiramin kita," alok niya sa akin, kaya magkasabay na kaming nagtungo sa opisina niya.


Pagdating sa faculty room, hindi ako mapalagay habang sinisipat-sipat ang sarili ko sa harap ng salamin.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon